Pokwang, emosyonal na binalikan ang pagpanaw ng kanyang anak

Pokwang, emosyonal na binalikan ang pagpanaw ng kanyang anak

- Sa Mother's Day special ni Karen Davila sa kanyang YouTube channel, nakapanayam niya si Pokwang

- Ibinahagi ng kilalang komendyante ang hindi madaling pinagdaanan niya bago siya nakarating sa kasalukuyan niyang kalagayan sa buhay

- Muli niyang binalikan ang panahong masakit para sa kanya at ito ay ang mailibing ang anak niya na wala siya dahil nasa ibang bansa siya nagtatrabaho

- Hindi din niya napigilang maiyak nang maalala niya ang kanyang ina na namayapa noong 2020

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Palabiro man sa kanyang mga social media posts at kanyang banat sa telebisyon, hindi naging madali ang pinagdaanan ni Pokwang bago siya nakarating sa kung ano man ang kanyang tagumpay sa kasalukuyan. Bilang isang ina ay hindi niya pinagsisihan na magkaroon ng anak sa iba't-ibang tatay dahil para sa kanya, ang lahat ng bata ay biyaya mula sa Panginoon.

Read also

Mariel Padilla, masayang pwede na siyang magsuot uli ng pink na damit

Pokwang, emosyonal na binalikan ang pagpanaw ng kanyang anak
Pokwang (@itspokwang27)
Source: Instagram

Muli niyang binalikan ang panahong masakit para sa kanya at ito ay ang mailibing ang anak niya na wala siya dahil nasa ibang bansa siya nagtatrabaho. Naging emosyonal din siya nang sabihin niyang wala siyang karapatang sukuan ang mga anak niya dahil kung ang nanay niya nga ay ginawa ang kanyang makakaya upang mabuhay silang 12 na magkakapatid.

Hindi din niya napigilang maiyak nang maalala niya ang kanyang ina na namayapa noong 2020. Hindi na nakakaalala ang kanyang ina nang pumanaw ito dahil nagkaroon ito ng dimentia. Gayunpaman, masaya umano siyang naabutan pa nito ang anak niyang si Malia O'Brian

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Pokwang o Marietta Subong o sa totoong buhay ay isang Pinay na komedyante, TV host, singer,at endorser. Kabilang sa mga show kung saan siya naing host ay Wowowee, Pilipinas Win na Win at Happy Yipee Yehey.

Read also

Zeinab Harake, nag-post ng bahagi ng kanyang pahayag sa Toni Talks

Ang kanyang kasalukuyang karelasyon ay ang Amerikanong si Lee O'Brian. Matatandaang nabuntis si Pokwang ngunit sa nakunan siya noong Agosto ng parehong taon. Ipinanganak niya si Francine Malia O'Brian sa Antipolo City noong January 18, 2018.

Madalas na ibahagi ni Pokwang ang nakakaaliw na video ng anak na si Malia sa kanyang Instgram account. Kamakailan ay maraming bumilib sa pagiging magana nito sa pagkain ng gulay.

Maging ang video kung saan naglilinis ito ng kanilang garden ay patok na patok sa mga netizens.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel