KC Concepcion, muntik nang maparalisa matapos siyang tamaan ng COVID

KC Concepcion, muntik nang maparalisa matapos siyang tamaan ng COVID

- Sa kanyang Instagram stories, binahagi ni KC Concepcion ang kanyang pasasalamat sa doktor na nagligtas sa kanya sa posibilidad na maparalisa siya

- Ito ay dahil umano sa neurological effect ng COVID-19 na tumama sa kanya na inakala niyang hindi ganoon kaseryoso

- Tatlong taon umano niyang naiwasan na tamaan ng COVID at ganoon lang siya kabilis nahawaan nito

- Pang-anim na araw na umano niya mula nang lumabas ang mga sintomas ng COVID at mahina pa umano ang katawan niya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ibinahagi ni KC Concepcion na muntik na siyang maparalisa dahil sa neurological effect ng COVID-19 na tumama sa kanya. Kaya naman, abot-abot ang pasasalamat niya sa doktor na nagligtas sa kanya.

KC Concepcion, muntik nang maparalisa matapos siyang tamaan ng COVID
KC Concepcion (@itskcconcepcion)
Source: Instagram

Inakala niya umanong hindi malala ang kanyang sintomas. Gayunpaman, naapektuhan na umano ang kanyang motor skills kaya naisip niyang seryoso na ang epekto sa kanya.

Read also

Kiray Celis, inalala ang kabutihan ni Fanny Serrano sa kanya

What I thought was a mild bout turned into something much more serious overnight. i felt a change in my my motor skills and also knew it was hitting my brain... it's like nothing I'd ever experienced before. .

Patuloy pa siyang nagpapalakas sa ika-anim na araw niya mula nang maranasan niya ang mga sintomas. Umaasa siyang maging negatibo na siya sa COVID para makabalik na siya sa trabaho.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Doc urgently prescribed me the exact meds i needed at exactly the right time - and by anticipating the progress of covid in my body, he put me on the road to recovery. It's my 6th day today since first onset of symptoms and i am still weak but regaining strength slowly but surely!!! I am forever indebted to you doc for saving my life.

Read also

Bongbong Marcos, nagpasalamat sa lahat ng sumuporta sa kanyang kandidatura

Si KC ang panganay na anak ni Sharon Cuneta sa dating asawang si Gabby Concepcion. Matapos maghiwalay ng kanyang mga magulang, kinilala niya ring ama si Senator Francis Pangilinan. Nagtapos siya ng bachelor's degree in International Corporate Communications with a minor in Theatre Arts sa American University of Paris.

Matatandaang minsan nang inalmahan ni Sharon ang komento ng netizen na laki sa lola umano ang anak na si KC.

Minsan niya nang naibahagi kung paano niya pinagsikapang itaguyod at palakihin si KC mag-isa kasunod ng paghihiwalay nila ng dating asawang si Gabby Concepcion.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel