Andrea Brillantes, pina-shoutout kay VP Leni ang bf na si Ricci Rivero

Andrea Brillantes, pina-shoutout kay VP Leni ang bf na si Ricci Rivero

- Ibinahagi ni Andrea Brillantes ang kanyang unang experience na sumama sa rally para kina Vice President Leni Robredo at Senator Kiko Pangilinan

- Matagal na umano niyang gustong sumama sa rally ngunit naging abala siya sa trabaho kaya sinamantala niya ang oras habang wala pa siyang ginagawang pelikula

- Isa-isang binati ni Andrea ang mga kapwa niya celebrities na naroroon sa rally upang magpakita ng kanilang suporta

- Hindi naman binigo ni VP Leni si Andrea nang humiling ito na mag-hi siya sa boyfriend ni Andrea na si Ricci Rivero na isang BBM supporter

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sa kanyang unang pagdalo sa rally, nakausap ni Andrea Brillantes si Vice President Leni Robredo. Dito ay pinakiusap niya kay VP Leni kung pwede daw ba siyang mag-"hi" sa boyfriend ni Andrea na si Ricci Rivero.

Read also

VP Leni Robredo, dumalaw sa burol ng yumaong supporter na si Nanay Gloria

Andrea Brillantes, pina-shoutout kay VP Leni ang bf na si Ricci Rivero
Andrea Brillantes (@blythe)
Source: Instagram

Agad namang pinagbigyan ito ni VP at sinabing sana ay ma-meet niya din si Rivero. Matatandaang nauna nang nagpahayag ng kanyang suporta si Ricci kay Bongbong Marcos.

Ayon naman kayy Andrea, matagal na niyang gustong sumama sa rally ngunit hindi niya magawa dahil sa kanyang trabaho. Kaya naman, nang nagkaroon siya ng pagkakataon ay sinamantala na nila ito.

Isa-isang binati ni Andrea ang mga kapwa niya celebrities na naroroon sa rally upang magpakita ng kanilang suporta. Kabilang sina Maricel Soriano, Ogie Diaz, JK Labajo, Leon Barretto, Marjorie Barretto, Sharon Cuneta sa mga artistang naroroon sa rally.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Andrea Brillantes ay isang aktres na nakilala sa kanyang pagganap bilang si Annaliza sa isang kapamilya teleserye. Sumikat din siya sa kanyang mahusay na pagganap bilang ang kontrabidang si Marga Mondragon sa hit TV series na "Kadenang Ginto" na nagkaroon ng remake sa ibang bansa dahil sa tagumpay nito.

Read also

Lola sa viral video na nag-aabang kay VP Leni noong kampanya, pumanaw na

Samantala malaki ang pasasalamat ni Andrea sa social media dahil naging daan ito para maabot niya ang kanyang mga pangarap.

Ikinabigla naman ni Seth Fedelin ang hiningi sa kanya ni Andrea na blender na nagkakahalaga ng 50K at isang kabayo.

Matatandaang sa kanyang video, inamin ni Andrea na nagkahiwalay na sila ni Seth noong nakaraang taon matapos ang kanilang dalawang taong relasyon. Ito ay matapos mag-viral ang proposal sa kanya ng basketbolistang si Ricci Rivero.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel