Alodia Gosiengfiao, dumalo sa ‘Doctor Strange’ world premiere kasama ang rumored BF

Alodia Gosiengfiao, dumalo sa ‘Doctor Strange’ world premiere kasama ang rumored BF

- Sa kanyang Instagram post, binahagi ni Alodia Gosiengfiao ang isang video kung saan kasama niya ang rumored BF

- Base sa kanyang social media post, dumalo sila sa world premiere ng pelikulang ‘Doctor Strange’ Los Angeles

- Ibinahagi din ni Christopher Quimbo ang kanilang picture sa pamamagitan ng kanyang Instagram story

- Matatandaang unang lumabas ang balita tungkol sa kanila matapos mag-post ni Alodia ng kanilang picture na kuha sa kanilang Palawan trip

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Muling nagbahagi si Alodia Gosiengfiao ng video kung saan kasama niya ang rumored boyfriend na si Christopher Quimbo. Base sa kanyang social media post, dumalo sila sa world premiere ng pelikulang “Doctor Strange in the Multiverse of Madness” sa Los Angeles.

Alodia Gosiengfiao, ibinahagi ang umano'y first movie date nil ng rumored bf
Alodia Gosiengfiao (@alodia)
Source: Instagram

Makikita sa video ang kanilang attire nang dumalo sila sa red carpet event ng Marvel film. Sa caption ay tila napatanong pa ang cosplayer kung iyon ang kanilang unang movie date.

Read also

Kandidato, pasok sa konseho matapos na lumamang lang ng isa sa kalaban

Ibinahagi din ni Christopher Quimbo ang kanilang picture sa pamamagitan ng kanyang Instagram story.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Alodia mismo ang nagkumpirma tungkol sa paghihiwalay nila ng boyfriend niyang si Wil. Gayunpaman, ayon kay Wil ay maayos silang nagkahiwalay. Sinabi niya ito sa isang podcast kung saan nakasama niya ang kapatid na babae ni Alodia.

Matatandaang kamakailan lang ay lumikha din ng ingay ang pag-post ni Alodia. Ibinahagi ni Alodia ng pictures at videos kasama ang napapabalitang bago niyang boyfriend. Wala mang direktang pag-amin, makikita sa isang picture na naka-post sa social media account ni Alodia ang pagbuo nila ng hugis puso ni Christopher.

Si Alodia Gosiengfiao ay nakilala bilang isa sa pinakasikat na cosplayer sa bansa. Isa din siyang game streamer at vlogger. Naging usap-usapan ang pagpunta ni Alodia sa US noong nagkasakit si Wil Dasovich at nagpapagaling sa cancer.

Read also

Mariel Padilla, pinakita ang kanyang reaksiyon nang malamang #1 si Robin Padilla sa pagka-senador

Matagumpay din si Alodia sa larangan ng kanyang negosyo. Isa siya sa may-ari ng Tier 1 Entertainment, isang e-sports entertainment company.

Kamakailan ay nagpadisenyo pa ng kanilang bahay sina Wil at Alodia sa sikat na vlogger at architect na si Oliver Austria.

Sabay nilang pinanood ang unang bahagi ng virtual tour sa dinesenyong bahay. Gayunpaman, mag-isa na lamang si Wil sa pag-react sa ikalawang bahagi ng video ni Mantsong.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel