Jennylyn Mercado, biglaang napaanak; magpapa-check-up lang daw dapat

Jennylyn Mercado, biglaang napaanak; magpapa-check-up lang daw dapat

- Sa kanilang bagong Youtube video ay pinakita nina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo ang nursery ng kanilang baby

- Gayunpaman, marami ang nawindang sa huling bahagi ng kanilang video dahil makikita ang biglang pagkaka-confine kay Jennylyn sa ospital

- Magpapa-check-up lang daw dapat sila kaya hindi nila inasahan ang pangyayari

- Aminado naman si Dennis na kinakabahan siya habang nasa labas at naghihintay

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Pinakita ng mag-asawang Jennylyn Mercado at Dennis Trillo ang di inaasahang pangyayari matapos nilang magtungo sa ospital para magpa-check-up. Marami ang nawindang sa huling bahagi ng kanilang bagong YouTube video dahil manganganak na pala si Jen.

Jennylyn Mercado, biglaang napaanak; magpapa-check-up lang daw dapat
Jennylyn Mercado (@mercadojenny)
Source: Instagram

Kwento nila, magpapa-check-up lang daw dapat sila kaya hindi pa sila handa sa nangyari. Gayunpaman, makikita ang kasiyahan sa mag-asawa na sabik nang makita ang kanilang anak.

Makikita din sa isang bahagi ng video na kabadong naghihintay si Dennis sa kanyang misis.

Read also

Kiray Celis, inalala ang kabutihan ni Fanny Serrano sa kanya

Base sa nakalagay na petsa sa araw kung kailan na-confine ang aktres, April 25 pa ito naganap. Kaya naman, marami sa kanilang tagahanga ang excited na masilayan na ang anak ng mag-asawa:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Nakaka excite nmn na lumabas at makita ka baby girl:). Praying na normal delivery ang panganganak mo ate Jen and also healthy & safe kayong dalawa ni baby
We are so excited for your beautiful baby girl. We pray for your normal delivery we pray for healthy and normal baby. God bless you both
Congrats ate Jennylyn and to the both of you excited to see your first baby stay safe and healthy for you and to both of you and to the baby❤ waiting!

Si Jennylyn Mercado ay isang Kapuso actress na nakilala matapos niyang manalo sa talent search na Starstruck ng GMA-7. Bukod sa pagiging aktres, nakilala din siya bilang isang mang-aawit, recording artist at product endorser.

Read also

Mga anak ni Nora Aunor, nagdiwang ng Mother's Day kasama ang Superstar

Sa kabila ng kanilang nakaraan, maganda ang relasyon ni Jennylyn sa asawa ng kanyang ex na si Patrick na ama ng kanyang anak na si Alex Jazz. Kaya naman marami ang natutuwa sa mga bonding moments nila na ibinabahagi nila sa social media.

Naging usap-usapan kamakailan ang matapang na pagbabahagi ng opinyon ng aktres hinggil sa ilang isyu. Maging si Lolit Solis ay nagbahagi ng kanyang opinyon hinggil sa isyung kinasangkutan nila Arnell at Jennylyn.

Naging viral din kamakailan ang post ng Kapuso star hinggil sa SONA ni Pangulong Rody Duterte.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel