Kris Aquino, nakatakda nang tumulak sa ibang bansa kasama ang mga anak

Kris Aquino, nakatakda nang tumulak sa ibang bansa kasama ang mga anak

- Sa online show ni Cristy Fermin na Showbiz Now Na! nakwento nila ng kanyang kasamahan ang tungkol sa nakatakdang pag-alis nina Kris Aquino papuntang ibang bansa

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

- Kasama umano nito ang dalawang anak niya, ilang kasambahay nila at kanilang mga kaibigan

- Nakatakda silang pumunta sa Amerika at kaya umano sila nagtagal ay kinailangang ayusin ang lahat para sa isang ospital lamang gagawin ang lahat ng kanyang pagpapagamot

- Ani Cristy, gumagawa ng kabutihan si Kris ngunit natural umano sa kanya ang pagiging taklesa

Ayon kay Cristy Fermin, handang-handa na anumang oras na pumunta sa Amerika sina Kris Aquino kasama ang kanyang dalawang anak, mga kasambahay nila at iba pa niyang kaibigan. Kinailangan umano nilang ayusin muna na sa isang ospital lang gagawin ang lahat ng kanyang pagpapagamot kaya natagalan ang kanilang pag-alis.

Read also

Market vendor, inspirasyon ang hatid matapos manalong Mayor ng Dolores

Kris Aquino, nakatakda nang tumulak sa ibang bansa kasama ang mga anak
Kris Aquino arrives for Warner Bros. Pictures' "Crazy Rich Asians" Premiere held at TCL Chinese Theatre IMAX on August 7, 2018 in Hollywood, California. (Photo by Albert L. Ortega)
Source: Getty Images

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

May kasama din daw siyang doktor sa kanilang byahe papuntang Amerika dahil 12 oras daw ang byahe at kailangang ma-monitor ang kanyang kalagayan. Kahit noong pumunta siya sa rally sa Tarlac ay tatlong doktor umano ang kanyang kasama.

Kwento pa ni Cristy, maaring ang dahilan ng sakit ni kris ay hindi umano ito na-expose sa dumi noong bata pa lamang siya kaya wala itong anti-bodies.

Matatandaang sa isang komento kamakailan, sinabi ni Kris na nakatakda silang pumunta sa ibang bansa kasama ang kanyang mga anak at mananatili umano sila doon nang mahigit isang taon para sa kanyang pagpapagamot.

Pinasalamatan din niya si Regine at ang mister nitong si Ogie Alcasid dahil palagi umano itong nangangamusta sa kalagayan ni Kris.

Si Kris Aquino ay anak ng pumanaw na dating Pangulong Cory Aquino. Tatay naman niya ang pumanaw na rin na dating Senador Ninoy Aquino.

Read also

VP Leni, nanawagan sa pagtanggap sa resulta ng Halalan; lalabanan pa rin ang kasinungalingan

Kapatid naman siya ni former President Noynoy Aquino, ang pangulo ng Pilipinas bago si President Rodrigo Duterte.

Ang “Queen of All Media” ay may anak kay Philip Salvador na si Josh at anak kay James Yap na si Bimby.

Matatandaang naging usap-usapan ang pagbati ni Kris para sa isang taong hindi niya pinangalanan. Gayunpaman, kinalaunan ay napag-alamang si Mel Sarmiento ito.

Kinalaunan ay isinapubliko nila ang tungkol sa kanilang engagement. Gayunpaman, naudlot din ito at ibinahagi ni Kris na hiwalay na sila ni Sarmiento.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel