K Brosas, napalaban sa kantahan at napatagay habang nangangampanya

K Brosas, napalaban sa kantahan at napatagay habang nangangampanya

- Sa kanyang pangangampanya, napadaan si K Brosas at ang kanyang kasamahan sa isang handaan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

- Pinaunlakan nito ang mga tao at napakanta siya ng awiting "Natatawa Ako" sa videoke

- Nakantiyawan din siya na uminom kaya nagpaunlak din siya ng isang shot saka tuluyan nang nagpaalam sa mga tao sa handaan

- Marami naman sa mga tagasuporta ni VP Leni Robredo ang nagpasalamat kay K sa personal nitong pangangampanya

Masayang binahagi ni K Brosas ang isang video kung saan napalaban siya sa kantahan at napatagay habang nangangampanya. Ito ay matapos nilang mapadaan sa isang handaan.

K Brosas, napalaban sa kantahan at napatagay habang nangangampanya
K Brosas (@kbrosas)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Pinaunlakan nito ang mga tao at napakanta siya ng awiting "Natatawa Ako" sa videoke. napainom din siya ng isang shot bago sila tuluyang nagpaalam ng kanyang kasamahan para ipagpatuloy pa ang pangangampanya.

Read also

Kandidato, pasok sa konseho matapos na lumamang lang ng isa sa kalaban

Marami naman sa mga tagasuporta ni VP Leni Robredo ang nagpasalamat kay K sa personal nitong pangangampanya:

This campaign rlly is historic. dati they get paid for commercials & appearances pag election szn, but now it’s so different. H2H campaign yan!! mainit. nakakapagod. at SILA ang lalapit sa tao, kabaliktaran ng nakasanayan ng artista. the fact that they’re doing it for free
I stan @kbrosas Ito yung election na heavily invested yung mga registered voters sa time, money and emotions. Ito yung election na ramdam mong pantay-pantay ang lahat, walang mayaman, walang artista, walang pulitikong entitled.
Love you, Ms K! Ito yung mga tipo na nagpapalakas ng morale naming nag-H2H, na hindi lang kaming ordinary people ang gumagalaw, may backup kami sa mga big name personalities/celebrities.

Nakilala si K sa husay niya sa pagpapatawa at galing sa pagkanta. Sa katunayan, nakapag concert na rin siya na talaga namang sinuportahan ng kanyang mga tagahanga.

Read also

Lola, napadalhan pa rin ng opisina ni VP Leni ng mga gamot halagang Php22,000

Naging kabilang si K sa mga hurado sa Tawag ng Tanghalan sa It's Showtime bago siya lumipat sa TV5.

Kamakailan ay ibinahagi ni K ang kanyang naging karanasan nang tamaan siya ng COVID-19. Aniya ay dumating siya sa puntong nag-huling habilin na siya.

Naiulat din ng KAMI ang tungkol sa kanyang pasasalamat sa mga proyektong ibinigay sa kanya ng TV-5 matapos siyang lumipat. Sinagot niya rin ang mga patutsada sa kanya ng mga bashers.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel