Bea Rose Santiago, todo-pasalamat sa kapatid na nag-donate ng kidney sa kanya

Bea Rose Santiago, todo-pasalamat sa kapatid na nag-donate ng kidney sa kanya

- Todo-ngiti ang pambato ng Pilipinas sa Miss International 2013 na si Bea Rose Santiago sa kanyang ibinahaging pictures

- Kasabay ito ng kanyang pagsasapubliko tungkol sa ginawang kidney transplant sa kanya matapos ang tatlong taon na pagsasailalim sa dialysis

- Pinasalamatan ni Bea Rose ang kanyang nakababatang kapatid na lalaki na siyang nag-donate ng kidney sa kanya

- Tinuturing niyang kanyang hero ang kapatid dahil sa pag-donate nito ng kidney niya sa kanyang ate

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Para sa pambato ng Pilipinas sa Miss International 2013 na si Bea Rose Santiago. hero niyang maituturing ang kanyang kapatid na nag-donate sa kanya ng kidney. Matapos ang tatlong taon na pag-da-dialysis, naging matgumpay ang kidney transplant sa kanya.

Bea Rose Santiago, pinasalamatan ang kapatid na nag-donate ng kidney sa kanya
Bea Rose Santiago (@bea.santiago)
Source: Instagram

Todo-pasalamata si Bea Rose ang kanyang nakababatang kapatid na lalaki na siyang nag-donate ng kidney sa kanya:

Read also

ABS-CBN reporter, kinaaliwan matapos ibahagi ang natanggap na free hug

Thank you to my baby brother’s love and bean I am changed. Thank you world for showing me kindness and patience and ofcourse to my family, friends and strangers for your support, countless prayers and positive energy finally after the 3rd time and 3 years of dialysis! I feel brand new!!! I feel loved and renewed! Thank you thank you thank you!

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Matatandaang sa kanyang social media account ay ibinahagi ng dating beauty queen na limang beses siyang sumasailalim sa dialysis sa isang linggo.

Nauna na niyang ibinahagi ang pagkakaroon niya ng sakit sa kidney. Aniya, mahihinto lamang ang dialysis treatment sa kanya kapag sumailalim na siya sa kidney transplant procedure.

Sa kanyang pinakahuling post, ibinahagi ni Bea ang dalawang magkasunod na picture na kuha noong unang beses siyang nag-dialysis at ang pinakahuling dialysis niya na siyang nagligtas ng kanyang buhay sa loob ng tatlong taon.

Read also

Francine Diaz, pinag-shopping ang kanyang dalawang malapit na kaibigan

Si Bea Rose Monterde Santiago ay isang modelo at beauty queen na kinoronahan o tinanghal bilang Miss International 2013 noong December 17, 2013. Siya din ang naging Mutya ng Pilipinas 2011 bago pa man manalo sa Binibining Pilipinas.

Matatandaang nadawit sa kontrobersiya ang dating beauty queen matapos nilang ihayag ang kanilang saloobin matapos manalo ng best in swimsuit ni Catriona Gray.

Noong 2018 ay ibinahagi niyang kailangan niyang sumailalim sa transplant para sa kanyang kidney.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel