Direk Joel Lamangan, walang sinanto sa pagtalak sa mga artistang late sa set
- Hindi pinalalampas ng award-winning na direktor na si Joel Lamangan ang mga artistang aniya ay walang respeto sa production staff na nakakatrabaho nila sa set
- Ito umano ang mga artistang nahuhuli sa call time para sa kanilang shooting at tinatalakan daw talaga niya ang mga ganitong artista
- Para sa kanya, hindi dapat na lumalagpas sa call time ang pagdating ng mga artista at mas natutuwa siya sa mga nauunang dumating lalo at nakakapaghanda na para sa mga eksena
- Kahit ang malalaking artista sa industriya ng showbiz ay nakatikim din ng talak mula sa kanya noon
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Para sa batikang direktor na si Direk Joel lamangan, walang karapatan ang isang artista na pag-antayin ang 150 na katao kaya aniya tinatalakan niya talaga ang mga artistang nale-late. Maging ang mga primyadong aktres kagaya nina Sharon Cuneta, Judy Ann Santos, Vilma Santos, at Nora Aunor ay natalakan niya umano noon.
Sa ginanap na storycon ng bago niyang pelikulang Fall Guy ni Direk Joel, sinabi niyang ayaw niya sa mga artistang walang respeto sa production staff na nakakatrabaho nila sa set. Para sa kanya, hindi dapat na lumalagpas sa call time ang pagdating ng mga artista at mas natutuwa siya sa mga nauunang dumating lalo at nakakapaghanda na para sa mga eksena.
“Ayoko talaga nang late! Ayaw ko no’n. Walang karapatan na mag-antay ang 150 people sa isang tao. Kaya dapat on time. Cost ng production yon pag nale-late. Hindi dapat!”
Hindi nakalampas maging ang mga primyadong artista sa kanyang pagtatalak noon.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
“Talagang makakarinig ka sa akin kung sino ka man! Si Nora , si Vilma , si Sharon, kung sino man, si Juday, lahat yan nakarinig sa akin kapag nale-late.
Para naman sa mga artistang hindi pa siya nakakatrabaho, huwag umano kaagad maniwala na terror siya.
“I just become a terror to those who are not responsible and do not fulfill their duties as actors in the film. Those who don’t know what they’re doing or refuse to know what they are doing.
Nilinaw niyang hindi naman siya nagagalit sa mga artistang may desiplina at nagtatanong sa kanya bago kunan ang mga eksena.
Si Joel Lamangan ay isang Filipino film director at television director. Ilan sa kanyang mga award-winning films ay kinabibilangan ng The Flor Contemplacion Story, Sidhi, Deathrow, Hubog, Aishte Imasu 1941, Blue Moon at Mano Po. Noong August 19, 2008, ginawa niya ang kauna-unahang Indie film na "Walang Kawala" ng DMV Entertainment.
Kamakailan ay inihayag ni Drek Joel ang kanyang saloobin sa mga bagong direktor na aniya ay mayayabang.
Matatandaang nauna na ring naikwento ng direktor ang kanyang pagtalak sa isang aktres dahil sa pagiging late nito.
Source: KAMI.com.gh