Regine Velasquez, pabirong kinaladkad palabas ng studio si Ogie Alcasid

Regine Velasquez, pabirong kinaladkad palabas ng studio si Ogie Alcasid

- Sa isang episode ng It's Showtime, muling nakapasyal si Regine Velasquez habang nasa beauty contest segment ang kanyang mister na si Ogie Alcasid

- Pabirong nagsumbong si Amy Perez kay Regine na sinabihan umano siya ni Ogie na mukha siyang shitzu

- Pabirong hinawakan ni Regine si Ogie sa hoodie nito at kinaladkad palabas ng studio ng It's Showtime

- Hindi ito ang unang beses na nagagawi si Regine sa It's Showtime studio kung saan nakikipagkulitan siya sa mga hosts

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Marami ang naaliw sa eksena ng mag-asawang Regine Velasquez at Ogie Alcasid sa isang segment ng It's Showtime. Pabirong nagsumbong si Amy Perez kay Regine na sinabihan umano siya ni Ogie na mukha siyang shitzu.

Regine Velasquez, pabirong kinaladkad palabas ng studio si Ogie Alcasid
Photo from Regine Velasquez (@reginevalcasid)
Source: Instagram

Pabiro nitong hinawakan sa hoodie si Ogie at dinala sa labas ng studio. Nang makabalik sa loob ng studio ay pawis na pawis si Ogie lalo at mainit sa labas ng studio.

Read also

Mirror selfie ni Sue Ramirez bago ang matinding eksena sa TBMV, kinagiliwan online

Hindi ito ang unang pagkakataon na napapanood si Regine sa It's Showtime sa tuwing dadalaw ito sa kanyang mister na isa na sa mga regular na napapanuodn na TV host sa noontime show ng ABS-CBN.

Narito ang ilan sa mga komento ng viewers:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Nakakatawa tong mga to hahaha pero ang sweet parin Sweet ni Regine 4:23 sana ol Ogie hehehe. Nakakatuwa din si tsang amy inihantulad ba naman ni Ogie buhok niya sa aso hahahaha
Classic talaga si Sir Ogie. Sana may sitcom si MsRegz at Sir Ogie. Napaka good vibes nun
Buti na lang sobra support ni Regine. sa asawa niya at sa kapasawayan ng mga taga-Showtime.. Grabe tawa ko kayo na talaga sakalam araw araw! l love Showtime forever

Si Regine Velasquez o Regina Encarnacion Ansong Velasquez-Alcasid sa totoong buhay ay kilalang mang-aawit at binansagang "Asia's Songbird." Ang kanyang kahanga-hangang husay sa pagbirit ang isa sa pinakahinahangaan sa kanya. Bukod sa pagkanta, umarte na rin siya sa ilang pelikula at isa din siyang producer.

Read also

Ogie Diaz, sinabing perfect match sa pagdating sa pag-arte sina Bea at Alden

Kamakailan, kinaaliwan din ang biro ni Regine na kunwari ay nakikiusyuso kay Francine Diaz. Ito ay noong kasagsagan ng isyu tungkol sa kanila ni Andrea Brillantes at Seth Fedelin.

Naging bahagi na din si Regine ng talk show na Magandang Buhay. Kinaaliwan ang kanyang post kung saan nawindang siya nang mapansing naka-tsinelas lamang siya nang pumunta siya sa taping.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel