Francine Diaz, nakatanggap ng bonggang mga regalo mula kay Dra. Vicki Belo

Francine Diaz, nakatanggap ng bonggang mga regalo mula kay Dra. Vicki Belo

- Bilang malapit na sa kanilang pamilya, isang bonggang birthday celebration ang inihanda nina Dra. Vicki Belo para sa 18th birthday ni Francine Diaz

- Ayon kay Dra. Belo, na-postpone ang dapat sana'y celebration ni Francine ng kanyang kaarawan dahil sa COVID

- Kaya naman, pinagdiwang nila ang kaarawan ni Francine sa unang bahay nina Dra. Belo na ayon sa kanya ay swerte sa kanya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

- Tadtad ng mga bulaklak ang magarbong bahay ng celebrity doctor na hango sa Casita Disney movie na Encanto

Ayon kay Dra. Vicki Belo, na-postpone ang dapat sana'y celebration ni Francine ng kanyang kaarawan dahil sa COVID. Kaya naman, sinorpresa nila si Francine ng isang celebration isang araw bago sumapit ang kaarawan niya.

Francine Diaz, nakatanggap ng bonggang mga regalo mula kay Dra. Vicki Belo
Francine Diaz (@francinesdiaz)
Source: Instagram

Tadtad ng mga bulaklak ang maagarbong bahay ng celebrity doctor na hango sa Casita Disney movie na Encanto. Ayon pa kay Dra. Belo, pangarap niya iyon para sa sarili niya at gusto niyang iparanas din kay Francine.

Nakatanggap din ng mga regalo si Francine sa pamamagitan ng mga clue na binasa ni Scarlet Snow sa kanya.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Marami ang natuwa para sa aktres dahil sa pagpapahalaga at pagmamahal sa kanya ng pamilya ni Dra. Belo.

Grabe yung effort! Francine is so lucky to have Doc. Belo as her Ninang..she is sure a pampered inaanak and btw...ang GANDA nilang mag-ninang and Scarlet!
Wow sobrang generous and all out si Dra. Vicki kay Francine. Ganda ng mga decors at flowers parang nasa garden of eden sila. Happy birthday Francine! You deserve to be treated like a princess. Thanks to Dra. Vicki Belo.
I love how thoughtful Dra Vicky is. She knows Chin’s favorite food and even specific events in her life like her first solo prod. Happy birthday, Chin. Such a pure and beautiful soul. You deserve everything.

Si Francine Diaz ay unang sumikat sa teleseryeng Kadenang Ginto kung saan nakasama niya sina Andrea Brilliantes, Kyle Echarri at Seth Fedelin.

Sila Kyle at Francine ay unang itinambal sa naturang teleserye kung saan nabuo ang tambalang kung tawagin ay "KyCine" na mula sa pinagsamang pangalan ng dalawa.

Sa nabuong tambalan, napalapit na rin sila sa pamilya ng bawat isa. Inamin ni Francine na nakasama niya nang mag-lunch ang pamilya ni Kyle.

Ilang beses na ring naitatanong sa kanilang dalawa kung ano na nga ba ang tunay na namamagitan sa kanilang dalawa at palagi nilang sinasabing sila ay malapit na magkaibigan.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel