Vic Sotto, binuking ng mga kapatid na siya ang pinakasuplado sa kanila

Vic Sotto, binuking ng mga kapatid na siya ang pinakasuplado sa kanila

- Sa isang video na ibinahagi ni Ciara Sotto sa kanyang YouTube channel, nagsama-sama ang magkakapatid na Tito, Val, Maru at Vic Sotto

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

- Sumalang sila sa challenge na tinawag na Who's Who kung saan sasagutin nilang magkakapatid kung sino sa kanila ang tinutukoy sa mga tanong na binasa ni Ciara

- Isa nga sa naitanong ay kung sino sa kanilang magkakapatid ang pinakasuplado

- Nagkaisa silang apat at maging si Vic mismo ay pangalan niya ang sinagot niya sa naturang tanong

Sa isang bihirang pagkakataon, nagkasama sa isang video ang magkakapatid na sina Tito, Val, Maru at Vic Sotto. Sumalang sila sa challenge na tinawag na Who's Who kung saan sasagutin nilang magkakapatid kung sino sa kanila ang tinutukoy sa mga tanong na binasa ni Ciara Sotto.

Read also

'Little Princess' na si Jo Berry, ibinahagi ang pagpanaw ng ama dahil sa COVID-19

Vic Sotto, binuking ng mga kapatid na siya ang pinakasuplado sa kanila
Pauleen Luna at Vic Sotto (@pauleenlunasotto)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Isa nga sa naitanong ay kung sino sa kanilang magkakapatid ang pinakasuplado. Nagkaisa silang apat at maging si Vic mismo ay pangalan niya ang sinagot niya sa naturang tanong. Nilinaw naman niyang mahiyain lang talaga siya.

Pinaka-generous naman sa kanila umano ay si Tito. Hindi lamang sa materyal na bagay kundi maging sa ibang bagay ay generous umano si Tito.

Narito ang komento ng mga netizens:

Love it! Ang saya saya, again we thank you Ciara for doing this vlog ; to know more about the Sotto Brothers! Way back the 90’s, a friend of mine told me that she went to watch Eat Bulaga and saw Vic, she said “pogi pero suplado”. So now I proved it totoo pala, hehehe. I can’t wait to see the Part II. God bless all of you! Take care.

Read also

Leni Robredo, matapang na sinagot bakit 'di dapat iboto si BBM: "Number 1, sinungaling"

Good job Ciara! I have fun with the Sotto brothers! So cute! Especially when they sang their spanish song.. pakantahin mo sila ng Spanish songs pls! Nakakaaliw sila. Kaw lang gumawa sa knila
Tuwangtuwa ako sa SOTTO Brothers kasi you can see their love for one another and genuine yung happiness na pinakikita nila sa video na to. Natawa ako lalo dun sa question na sino ang pinaka best singer, bigla pagsabi ni Bossing na si Maru kasi siya yung Soloist noong kumanta sila para sa alma mater nila

Si Vic Sotto ay isang sikat na aktor, komedyante, film producer, singer-songwriter, at television presenter na nasa industriya ng showbiz simula pa noong 70s. Naging ‘Box Office King’ siya ng maraming beses. Dating kasal siya sa aktres na si Dina Bonnevie at nagkaroon sila ng dalawang anak na sina Danica Sotto at Oyo Boy Sotto na parehong may asawa na at mga magulang na rin.

Read also

Scarlet Snow Belo, kinaaliwan sa wish nito na magkaroon ng baby brother

Ngayon, ay kasal siya kay Pauleen Luna, ang kanyang kasamahan at dabarkads sa sikat na noontime show sa Kapuso ang ‘Eat Bulaga,’ at may isang anak na sila.

May dalawa pang anak siya na sina Vico Sotto, anak nyang lalaki sa aktres na si Coney Reyes, at si Paulina Sotto, ang anak niya kay Angela Luz.

Kamakailan ay sinagot ni Pauleen ang isang netizen na nagtanong kung bakit wala ang kanyang mag-ama habang siya ay nag-aalmusal.

Naging viral din ang pinakitang video ni Pauleen kung paano niya turuan ng Tagalog ang anak.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel