Kim Atienza, inalmahan ang komento ng netizen kaugnay sa kanyang paglipat

Kim Atienza, inalmahan ang komento ng netizen kaugnay sa kanyang paglipat

- Simula nang lumipat ng estasyon si Kim Atienza, hindi maiwasang makatanggap siya ng mga negatibong komento

- Ito ay kadalasang mula sa mga taong hindi nagustuhan ang ginawa niyang paglipat sa GMA-7

- Isang Twitter user ang nagkomento sa isang news article kaugnay sa paglipat ni Julius Babao ng estasyon kamakailan

- Kinontra ni Kuya Kim ang komento ng netizen na nagsabing tila wala namang nanonood sa palabas nina Kuya Kim at ni Atom Araullo

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Isang Twitter User ang nagkomento sa isang news article kaugnay sa paglipat ni Julius Babao ng estasyon kamakailan. Anito, hindi kawalan si Julius at binanggit pa nito ang mga dating Kapamilla news anchors na sina Atom Aurollo at Kuya Kim Atienza.

Kim Atienza, inalmahan ang komento ng netizen kaugnay sa kanyang paglipat
Kim Atienza (Photo from: CC BY 3.0 via Wikimedia Commons)
Source: Instagram
Di ka kawalan. Ano na kayang nangyari kay Atom, kay Kuya Kim, may nanonood ba sa palabas nila.. Hahaha

Read also

Cochi ni Marvin, tinatangkilik pa rin: "We are roasting now your cochi orders"

Imbes na gantihan ng masasakit na salita ay pasimpleng kinontra ni Kuya Kim ang komentong ito at sinabing parang may nanonood naman sa mga palabas nila.

Hmmmmm parang meron pa naman last time I checked.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Simula nang lumipat ng estasyon si Kim Atienza, hindi maiwasang makatanggap siya ng mga negatibong komento. Ito ay kadalasang mula sa mga taong hindi nagustuhan ang ginawa niyang paglipat sa GMA-7.

May mga Twitter user naman na umalma sa pahayag na ito ng netizen:

Tag natin si @atomaraullo at @kuyakim_atienza para mabasa din nila. anyways wag masyadong mayabang sa linyahang “may nanonood pa ba sa palabas nila?” obviously, meron naman. sinasadya mo lang din talagang hindi manood sa kanila dahil fantard ka.
Malamang may nanood. Sila yung nasa free TV eh. Mas may nanunuod naman sa kanila kaysa sayo.

Read also

Anak ni Claire Dela Fuente sa Dacera case, nasaktan sa komentong 'deserve' mawalan ng ina

Si Kim Atienza o mas kilala sa bansag na Kuya Kim ay isang host, actor, weather anchor at isang dating politician. Siya ay kasalukuyang napapanood bilang weather anchor ng TV Patrol segment na Weather-Weather lang.

Isa si Kuya Kim sa mga Kapamilya personality na hayagang nagpapakita ng kanyang suporta sa TV network. Sa katunayan, kinaaliwan ang kanyang mga sagot sa mga bashers ng Kapamilya Network.

Pinaliwanagan din niya ang mga netizens na gumagamit ng salitang oligarch at oligarchy sa kanilang patutsada laban sa ABS-CBN.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate