Regine Velasquez, "pabirong nag walkout" dahil sa pagiging kabogera ni Maymay Entrata

Regine Velasquez, "pabirong nag walkout" dahil sa pagiging kabogera ni Maymay Entrata

- Sa isang video na binahagi ni Zsa Zsa Padilla, makikita ang kanilang pagsayaw kasama si Maymay Entrata

- Sinayaw nila ang sikat na awitin ni Maymay na Amakabogera na umani ng milyon-milyong views sa YouTube

- Makikita din ang paglapit ni Regine Velasquez na napatingin na lamang sa kanilang dalawa na todo-hataw sa pag-emote at pagsayaw

- Nag-walk out din ito habang makikita sa likod si Gary Valenciano na umiiling-iling habang nanonood sa kanila

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Umani ng mga reaksiyon ang video na binahagi ni Zsa Zsa Padilla sa Instagram kung saan nakasama niya si MayMay Entrata at Regine Velasquez. Sinayaw nila ang sikat na awitin ni Maymay na Amakabogera na umani ng milyon-milyong views sa YouTube.

Regine Velasquez, "nag-walk out" dahil sa kabogerang performance ni Maymay
Photo from Regine Velasquez (@reginevalcasid)
Source: Instagram

Makikita din ang paglapit ni Regine Velasquez na napatingin na lamang sa kanilang dalawa na todo-hataw sa pag-emote at pagsayaw. Nag-walk out din ito habang makikita sa likod si Gary Valenciano na umiiling-iling habang nanonood sa kanila.

Read also

Maymay Entrata at Mimiyuuuh, binahagi kung paano nagsimula ang pagkakaibigan

Aliw na aliw ang mga fan sa eksenang `yon nina Zsa Zsa, Maymay, Regine. Alam naman nilang biruan lang ang lahat, na nag-walk out si Regine dahil kay Maymay. Narito ang reaksiyon ng mga netizens:

Ang cute nyo po.nakakatuwa sa likod si ms. Regine at Sir Gary! Bakit nag walkout Ms. @reginevalcasid Ang kulit! Nakasilip pa si Sir @garyvalenciano nailing iling pa

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Salamat po with @maymay kabogera po kayong dalawa. Ate Regine niyo na nag-walk out! Hahahaha!
Natawa ako ni ate Reg. Mommy z.. Anyare kay Ate Regine? Ang kulit. Hahahaha! Actually ang ganda nyo po mommy Z

Si Regine Velasquez ay kilala sa kanyang husay sa pag-awit. Binansagan siyang "Asia's Songbird" dahil na rin sa tagalay niyang husay. Ikinasal si Regine Velasquez sa asawang si Ogie Alcasid noong December 2010. Matatandaang naunang lumipat si Ogie sa Kapamilya network mula sa GMA-7, na kinalaunan ay sinundan din ni Regine.

Read also

PBB Karen, 'di napigilang maglabas ng saloobin kay TJ: "Nakaka-bad trip talaga"

Kamakailan ay ibinahagi din ni Regine ang kanyang kalungkutan nang malaman niya ang tungkol sa nangyari sa kapwa niya mang-aawit na si Lani Misalucha.

Naibahagi niya rin ang naging epekto ng pandemya sa kanyang pamilya.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel