Kim Chiu, pinasilip ang kanyang bonggang Christmas tree

Kim Chiu, pinasilip ang kanyang bonggang Christmas tree

- Naging tradisyon na kay Kim Chiu at sa kanyang pamilya ang pagde-decorate ni Kim ng kanilang Christmas tree kada taon

- Kada taon ay iba-iba din ang ginagawang disenyo at tema ni Kim sa kanyang mataas na Christmas tree

- Para sa taong ito, white Christmas ang tema niya at ginamit na lamang umano niya ang kanyang mga dati pang nabiling mga Christmas decor

- Aprubado naman ng kanyang pamilya ang kanyang gawa at maging ang mga netizens ay bilib sa husay nitong mag decorate

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Palaging pinaghahandaan ni Kim Chiu ang pasko sa pamamagitan ng kanyang bonggang Christmas tree. Para sa kasalukuyang taon, ibinahagi niya sa kanyang YouTube channel ang kanyang White Chistmas-themed tree.

Kim Chiu, pinasilip ang kanyang bonggang Christmas tree
Kim Chiu (@chinitaprincess)
Source: Instagram

Personal na inayos ni Kim ang Christmas tree nila at binahagi niya rin ang reaksiyon ng kanyang pamilya.

Read also

Maymay Entrata, pinuri ng mga singers sa kanyang Wish bus performance

Pinaliwanag din ni Kim kung bakit white ang kanyang napiling tema.

Hello Everyone! Its Christmas na talaga! Sharing with you how I styled my own tree, using old ornaments na meron ako from my past Christmas Tree designs! Ang theme ko ngayon is white, a color of Hope and Peace. Yun ang tanging hiling ko ngayong pasko ang magkaroon ng pag asa sa bawat isa sa atin and of course peace in our hearts.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Maging ang mga netizens ay napabilib sa husay nito sa pag design at pag-decorate:

I’m so amaze with Kim. Gling nya mg decorate. Thumbs up! Pwede na pwedeng interior decorator si Kimmy.
Taon taon nanonood po ako kung paano mo buuin yung Christmas tree nyo sa bahay at ikaw talaga ang gumagawa galing. Ganda ganda po lahat ng mga ginagawa mong Christmas tree nakakahappy po galing mo Kim

Read also

Matteo Guidicelli, pinakita ang sosyaling Christmas tree nila ni Sarah Geronimo

You never fail to amaze us with your creativity. It’s a beautiful Christmas Tree. Hands down to you Kim that despite your busy sched, you find time to personally decorate your tree.

Si Kim Chiu ay unang nakilala sa mundo ng showbiz matapos siyang tanghalin bilang big winner sa kauna-unahang Pinoy Big Brother teen edition. Bukod sa kanyang husay sa pag-arte, nagkaroon din siya ng maraming proyekto dahil sa husay niya sa hosting at pagsayaw.

Kamakailan ay pinasilip ni Kim Chiu ang kanyang sosyaling boots collection na kanyang nabili mula sa kanyang kita mula sa kanyang pag-aartista.

Naging viral din ang picture ni Kim kasama ang kanyang boyfriend na si Xian Lim na kuha mula sa kanilang Yoga session.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel