Dionne Monsanto, tinuturing na best birthday gift ang kanyang pagbubuntis

Dionne Monsanto, tinuturing na best birthday gift ang kanyang pagbubuntis

- Masayang ibinahagi ng dating aktres at dating PBB housemate na si Dionne Monsanto ang tungkol sa kanyang pagdadalan-tao

- Aniya, maituturing niyang best birthday at best birthday gift ang kanyang pagbubuntis matapos niyang ikasal nitong taon lamang

- Kalakip ng kanyang mensahe, ibinahagi ni Dionne ang kanyang mga litrato kung saan kita na ang kanyang baby bump

- Bumuhos naman ang pagbati sa kanya hindi lamang mula sa kanyang mga fans kundi mula din sa mga kasamahan niya sa industriya

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Ayon kay Dionne Monsanto, maituturing niyang best birthday at best birthday gift ang kanyang pagbubuntis matapos niyang ikasal nitong taon lamang. Aniya, marami siyang natanggap ngayong taon kabilang na ang kanyang pag-migrate at pagpapakasal.

Dionne Monsanto, tinuturing na best birthday gift ang kanyang pagbubuntis
Photo from Dionne M. Stalder (@dionne)
Source: Instagram

Dagdag pa ng dating aktres, marami silang nagawang discoveries kasama ng kanyang asawa ngunit aniya maaring ang kanyang pagbubuntis ay kanilang pinaka-exciting na journey.

Read also

Maymay Entrata at Mimiyuuuh, binahagi kung paano nagsimula ang pagkakaibigan

This year has given me sooo much! I moved to a new country, learned a new language, discovered new interests, got engaged, married my best friend & love of my life @nayr_redlats, and together, we traveled & discovered different countries & cultures. BUT, this may be our most exciting adventure yet!

Pinasalamatan ni Dionne ang kanyang pamilya at mga kaibigan.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Thank you so much to our family & friends who have given us nothing but love, positivity & excitement for our growing family.

Kalakip ng kanyang mensahe, ibinahagi ni Dionne ang kanyang mga litrato kung saan kita na ang kanyang baby bump. Bumuhos naman ang pagbati sa kanya hindi lamang mula sa kanyang mga fans kundi mula din sa mga kasamahan niya sa industriya.

Ilan sa mga artistang bumati sa kanya ay sina Kaye Abad, Jhong Hilario, Angelica Panganiban at marami pang iba.

Read also

Janella Salvador, pinakilala sa publiko ang kanyang alagang ahas

Base sa kanyang ginamit na caption, 20 weeks na ang kanyang pinagbubuntis.

Si Dionne Monsanto ay unang nakilala nang mapabilang siya sa mga housemates sa "Pinoy Big Brother: Season 2" noong 2007. Ilan sa kanyang mga teleseryeng nagawa ay Super Inggo 1.5: Ang Bagong Bangis, Lobo, Lovers in Paris, Flordeliza, Pasion de Amor at Tubig at Langis.

Nito lamang February 25, 2021, isinapubliko ni Dionne ang kanyang pagreretiro sa showbiz.

Matatandaang naging usap-usapan ang naging tugon ni Dionne sa patutsada ni Atty. Topacio laban kay Angel Locsin.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel