Jay Manalo, hindi ikinahiya na namalimos at naging takatak boy noon
- Maituturing mang isa sa pinakasikat na aktor sa kanyang henerasyon, naikwento ni Jay Manalo ang kanyang nakaraan
- Aniya, noong bata pa siya, naranasan niyang mangalakal at magbenta ng sigarilyo noong bata pa lang siya
- Namalimos din siya sa pamamagitan ng pag-akyat sa mga jeep kagaya sa maraming mga batang lansangan
- Aniya ay hindi niya ikinakahiya kung ano ang kanyang pinagdaanan noong bata pa lamang siya
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Hindi pinagkaila ni Jay Manalo ang ilan sa mga naging trabaho niya noon bago pa man siya sumikat. Aniya, masaya siya sa kanyang naranasan at wala siyang taong sinisisi sa kanyang dinanas.
Kwento ni Jay Manalo, noong araw ay nagtatapon siya ng basura para kumita. Naranasan din niyang magbenta ng mga kalakal noon. Naibahagi niyang namalimos din siya sa jeep. Gayunpaman, hindi naman daw sila umabot sa puntong namimilit at nagagalit kapag walang naibibigay.
Aniya ay hindi niya ikinakahiya kung ano ang kanyang pinagdaanan noong bata pa lamang siya.
Bukod sa pagtapon ng basura, naranasan niya ring maging "seaman." Ito daw ang tawag sa paghahanap ng mga baryang nahuhulog ng mga tao sa bangketa. Tatlong beses siyang naglayas ngunit may mga tao namang tumulong sa kanya para makapag-aral.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Napagtanto niya ang kahalagahan ng edukasyon kaya para sa kanyang 12 na anak, nais niyang matapos muna ang mga ito ng pag-aaral bago subukang pumasok sa pag-aartista kung sakaling magka-interes sila.
Aniya, nais lamang niyang magkaroon ng sandata ang mga anak sakaling hindi nila magustuhan ang pag-aartista. Wala pa naman umanong nagpilit sa mga anak na sundan ang yapak niya sa showbiz.
Si Jay Manalo ay isang Filipino-Vietnamese actor at model na sumikat noong dekada 90. Isinilang siya sa South Vietnam ngunit lumaki siya sa Tondo, Manila. ang kanyang ama ay Pinoy at Vietnamese naman ang kanyang ina.
Isa sa kanyang pinakaunang nagawang pelikula ay Brat Pack noong 1994. Bumida din siya sa pelikulang Paracale Gan na inilabas noongn 1996.
Sa unang ulat ng KAMI, nabanggit ni Jay ang tungkol sa kanyang relasyon sa kasalukuyang asawa at sa mga ina ngkanyang mga anak.
Naibahagi din ni Jay ang tungkol sa naging karanasan ng anak niya matapos itong mag-swimming.
Source: KAMI.com.gh