Aktwal na video ng pagdalaw ni Mygz sa puntod ni Mahal, umantig sa mga netizens
- Sa kauna-unahang pagkakataon ay inilabas sa YouTube channel ni Mahal Tesorero ang video ng pagdalaw ng Pamilya Molino sa puntod ni Mahal
- Ito umano ang unang pagkakataon na nakadalaw ang pamilyang matagal ding nakasama ni Mahal
- Dito ay napag-usapan umano nina Mygz Molino at ng mga kapatid ni mahal ang tungkol sa plano noon ni Mahal para sa ika-40 days ng pagpanaw ng kanilang ama
- Hindi naman maitago ng pamilyang Molino ang kanilang kalungkutan lalo na si Mygz na panay parin ang pagpunas ng kanyang luha
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Sa mismong YouTube channel ng namayapang komedyanteng si Mahal Tesorero inilabas ang aktwal na video ng pagpunta ng pamilyang Molino sa puntod ni Mahal sa unang pagkakataon. Naroroon din ang mga kapatid ni Mahal.
Ito ang unang pagkakataong nakapunta ang mga Molino sa himlayan ni Mahal dahil kinailangan nilang sumunod sa pinapatupad na alituntunin para sa mga taong nakasalamuha ng taong nagpositibo sa COVID. Kinailangan nilang mag quarantine kaya hindi sila nakadalo sa libing.
Dito ay napag-usapan umano nina Mygz Molino at ng mga kapatid ni mahal ang tungkol sa plano noon ni Mahal para sa ika-40 days ng pagpanaw ng kanilang ama. Hindi naman maitago ng pamilyang Molino ang kanilang kalungkutan lalo na si Mygz na panay parin ang pagpunas ng kanyang luha.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Si Mygz Molino ay isang vlogger na nakasama ng yumaong komedyanteng si Mahal Tesorero. Si Mygz ang ka-tandem nito sa mga vlog niya kaya naman labis itong naapektuhan sa pagkawala ni Mahal. Siya ang laging kasa-kasama ni Mahal sa mga raket nito kahit sa kanyang TV shows.
Matatandaang, taliwas sa lumabas na haka-haka, hindi sinisisi ng mga kapatid ni Mahal si Mygz sa nangyari sa kapatid nila. Bagkus ay malaki ang kanilang pasasalamat na naging masaya ang kanilang kapatid sa huling mga taon ng kanyang buhay kasama si Mygz at ang pamilya niya.
Hindi naman na nakadalo pa sa libing ni Mahal si Mygz dahil kinailangan nilang mag quarantine dahil sila ang close contact ni Mahal bago ito pumanaw dahil sa COVID.
Nais ipaalala ng KAMI na anumang mapanirang komento ay maaring makapahamak. Ang karapatan sa malayang pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay hindi nangangahulugang malaya tayong magbitiw ng mga masasakit at mapanirang mga salita dahil maari itong panagutan sa batas. Laging isaisip, "Think before you click."
Source: KAMI.com.gh