School ng umano'y nanggaya ng valedictory speech, humingi ng tawad

School ng umano'y nanggaya ng valedictory speech, humingi ng tawad

- Naglabas na ng pahayag ang paaralan kung saan nagtapos ang estudyante na umano'y nanggaya ng speech

- Gumawa ng ingay ang naturang talumpati matapos mapansin ng netizens na halos pareho umano ang mga kataga sa isang talumpati na nag-viral noong 2019

- Bukod sa mismong pinaggayahan, humingi rin ng paumanhin ang paaralan sa lahat ng maaring maagrabyado dahil sa umano'y panggagaya

- Hiling din nilang itigil na umano ang mga hindi nararapat pang mga salita laban umano sa kanilang mag-aaral

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Naglabas na ng pahayag ang Camarines Sur Polytechnic Colleges, ang paaralan ng bagong graduate na si Jayvee Ayen.

School ng umano'y nanggaya ng valedictory speech, humingi ng tawad
Jayvee Ayen (Camarines Sur Polytechnic College)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na ito ay kagunay sa kontrobersyal niyang speech na sinasabing ginaya ang ideya sa nag-viral na talumpati ni Mariyela Mari Hugo.

Naging agaw-eksena sa iba't ibang social media platforms ang paghahambing umano ng netizens sa talumpati ni Ayen sa naunang talumpati ni Hugo.

Read also

Admin aide ng Malacañang, patay matapos na umano'y mahulog sa gusali

Dahil dito, noong Hulyo 13, namagitan na ang paaralan ni Ayen upang humingi ng dispensa sa umano'y pangongopya ng talumpati.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

"With all that has been said and done and on behalf of Mr. Jayvee Ayen, we apologize to Ms. Mariyela Mari G. Hugo for the carefree attitude of Mr. Ayen in unintentionally copying the idea and style of her speech without proper attribution."
"We apologize to all other individuals and entities who may have been offended and affected by this issue."

Hiling din nilang matapos na rin ang isyu at hindi na makatanggap pa ng masasakit na salita ang kanilang naging mag-aaral gayung sila na rin mismo ang magbibigay ng karampatang aksyon sa kanya sa nangyari.

"Rest assured that internally, we shall as we always do, within the rules of the College, be making appropriate steps for corrective and formative measures towards Mr. Ayen and in the school in general."

Read also

SHS student, nakatanggap ng 60 na mga award sa isang school year

Narito ang mga buong valedictory speech ng dalawa mula sa Camarines Sur Polytechnic Colleges ay mula kay Ayee Rull Hugo:

Samantala, narito ang kabuuan ng pahayag ng nasabing paaralan:

Nag-viral din kamakailan ang mga face-to-face graduation ng mga Psychology graduates ng Carlos Hilado Memorial State University sa Negros Occidental.

Ang lahat kasi sa kanila ay hindi lamang nakapagtapos kundi nakapag-uwi ng karangalan.

Pito sa naturang graduates ang dean's lister, 14 ang mga cùm laude, 23 naman ang naging magna cùm laude at isa ang pinalad na maging sùmma cùm laude.

Dahil sa kahanga-hangang achievement nilang ito, tinagurian umano sila na 'Batch of Achievers.'

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica