SHS student, nakatanggap ng 60 na mga award sa isang school year
- Kahanga-hanga ang isang senior high school student na umabot sa bilang na 60 ang naging award sa kanyang graduation
- Dahil dito, nakamit din niya ang highest honors sa kanilang batch
- Bukod sa mga certificates, umapaw din ang natanggap niyang mga medalya at ribbons bilang pinakamahusay sa iba't ibang larangan at asignatura
- Marami ang humanga at na-inspire sa pambihirang tagumpay na ito ng estudyante
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Hakot award ang Senior High School graduate na si Meckia Mari Villanueva na hindi lamang isang award ang nakuha sa kanyang Pagtatapos kundi 60.
Nalaman ng KAMI na sa kanyang graduation noong Mayo, sa Sto. Niño Academy Inc. sa Bocaue, Bulacan, natanggap niya ang 24 medals, mga certificates at mga ribbons.
Halos wala nang mapagsabitan sa kanya ang mga medalya na kanyang natanggap na siyang bunga ng kanyang pinaghirapan sa pag-aaral sa kabila ng pandemya.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Ayon kay Meckia sa panayam sa kanya Philippine Star, hindi niya inaasahan na ganoon karami ang kanyang matatanggap na karangalan.
Bukod pa rito, siya rin ang presidente ng kanilang student government kaya naman sinulit niya talaga ang bawat sandali niya sa High School.
Ngayon, full scholar siya ng University of Sto. Tomas sa kursong medical biology.
Umani rin ng papuri sa social media ang nag-viral na delivery rider noong 2020 na ngayong taon ay nakapagtapos na ng pag-aaral.
Naging agaw-pansin sa social media ang kanyang larawan, dalawang taon na ang nakalilipas dahil nagagawa niyang isabay ang online class sa kanyang pagtatrabaho bilang delivery rider ng Grab.
At ngayon, hindi lamang siya nakapagtapos sa kolehiyo, may latin honors pa siya.
Ayon sa graduate na si Francis Ax Valerio, kinailangan niyang magdoble kayod matapos na ma-stroke ang kanyang ama habang nahinto naman sa trabaho ang ina na siyang nag-aalaga.
Nagbunga naman ng maganda ang lahat ng kanyang hirap at sakripisyo dahil sa karangalang natanggap na alay naman niya sa kanyang pamilya lalong-lalo na sa kanyang mga magulang.
Samantala, kahanga-hanga rin naman ang mga Psychology graduate ng Negros Occidental matapos na magkamit ang lahat sa kanilang magkakaklase ng honors. Dahil dito, tinagurian umano sila bilang 'Batch of Achievers.'
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh