Astronomer CEO Andy Byron, iniintriga matapos mag-viral sa concert video kasama ang CPO
- Viral ang video nina Andy Byron at Kristin Cabot na magkaakbay sa Coldplay concert
- Nahuli ang dalawa sa jumbotron ng Gillette Stadium, habang sweet na sweet sa isa’t isa
- Umani ng mahigit 20M views ang video at inulan ng affair allegations mula sa netizens
- Tinanggal ni Megan Kerrigan Byron ang apelyido ng mister at dinelete ang kanyang Facebook
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Trending ngayon sa social media ang isang video ng tech CEO na si Andy Byron at Chief People Officer ng kumpanyang Astronomer na si Kristin Cabot matapos silang mahuli sa jumbotron ng isang Coldplay concert habang tila sweet na sweet sa isa’t isa.

Source: Twitter
Ang video, na umani ng mahigit 20 milyong views, ay nagpapakita ng dalawa na magkaakbay sa gitna ng crowd sa Gillette Stadium sa Boston. Habang tumutugtog ang banda, binanggit pa ni Chris Martin sa mikropono: “Oh look at these two,” sabay hagikgikan ng mga tao sa stadium.
Agad na tinakpan ni Cabot ang kanyang mukha, habang si Byron naman ay yumuko para umiwas sa camera. Sinundan ito ng hirit ni Martin: “Either they’re having an affair or they’re very shy,” na lalong nagpaliyab sa mga usap-usapan online.
Nagsimulang kumalat ang clip sa TikTok, at di nagtagal ay na-identify ng mga netizens ang dalawa bilang si Byron at Cabot—kapwa matataas na opisyal sa Astronomer.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Mas naging mainit ang isyu nang lumabas na si Byron ay kasal kay Megan Kerrigan Byron at may dalawang anak. Ayon sa impormasyon, nakatira sila malapit sa mismong concert venue.
Ngunit, tila hindi kasama sa concert si Megan. Dahil sa kontrobersya, dinelete ni Megan ang kanyang Facebook account matapos malunod sa comments ng netizens. Bago ito tuluyang nawala, tinanggal na rin niya ang apelyidong "Byron" mula sa kanyang pangalan.
Naging viral ang issue hindi lang sa TikTok kundi pati sa LinkedIn, kung saan inulan ng mga komento ang dating profile ni Byron bago ito tuluyang dinelete. Isa sa mga nag-viral na komento ay nagsabing: “Lights did not guide Andy home,”—isang reference sa Coldplay song na “Fix You.” May isa pang LinkedIn user na diretsahang nagtanong: “Who is the lady on the jumbotron, Andy?”
Bagama’t wala pang pahayag mula sa panig nina Byron at Cabot, patuloy na tumitindi ang mga espekulasyon tungkol sa tunay na relasyon ng dalawa.
Si Andy Byron ay naging CEO ng Astronomer, isang tech company na kilala sa data orchestration at Apache Airflow, noong 2023. Graduate siya ng Providence College. Sa kanyang karera, nakilala siya bilang isang business leader na may hands-on na approach sa team culture. Samantalang si Kristin Cabot, bilang Chief People Officer ng parehong kumpanya, ay responsable sa human resource strategy at employee engagement—isang irony na hindi pinalampas ng mga netizens.
Sa kabilang banda ng Coldplay fandom, ibinahagi ni Ruffa Gutierrez ang kanyang nakakakilig na “epic date” sa Venice para sa Coldplay concert. Kitang-kita sa video ang saya ni Ruffa habang pinapanuod si Chris Martin at ang banda. Walang kontrobersya, kundi purong kilig ang dulot ng post ng aktres.
Kahit si Pangulong Bongbong Marcos (BBM) ay hindi pinalampas ang Coldplay fever. Sa kanyang pahayag, sinabi niyang “Unmissable” ang experience na makita ang banda. Nagpakuha pa siya ng larawan kasama ang ilan sa mga miyembro ng entourage habang nasa venue. Nagbigay ito ng masayang vibe sa halip na intriga, kabaligtaran ng nangyaring issue kay Byron.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh