Thai fiancée ni Xian Gaza, sinabing single na siya

Thai fiancée ni Xian Gaza, sinabing single na siya

- Nagpahayagnang Thai fiancee ni Xian Gaza na single na daw siya sa pamamagitan ng isang post sa Facebook

- Hindi kasama sa mga litrato ni Xian ang Thai fiancée sa mga huling post nito kung saan ay nag-travel siya sa ibang bansa

- Walang malinaw na pahayag mula kay Xian o sa kanyang fiancée tungkol sa isyung ito

- Marami ang naghihintay sa mga susunod na kaganapan at mga pahayag mula sa kanila lalo at palaging nagsasalita si Xian sa mga mainit na usapin

Nagbhagi ng post ang Thai fiancée ni Xian Gaza at sa kanyang post sa Facebook ay sinabi niya na siya ay single na. Ito ay nagdulot ng iba't ibang reaksyon mula sa mga netizens. Sa mga huling post ni Xian sa social media, mapapansin na hindi na niya kasama ang kanyang fiancée, lalo na sa mga litrato ng kanyang mga biyahe sa ibang bansa.

Read also

Aubrey Miles, nahingan ng pahayag ni Ogie D ukol sa umano'y scammer na gumamit sa pangalan niya

Thai fiancée ni Xian Gaza, sinabing single na siya
Thai fiancée ni Xian Gaza, sinabing single na siya
Source: Facebook

Wala pang malinaw na pahayag mula kay Xian o sa kanyang fiancée ukol sa isyung ito. Maraming mga tagasubaybay ang nag-aabang sa mga susunod na kaganapan at pahayag mula sa kanila, lalo na't kilala si Xian sa pagbibigay ng kanyang opinyon sa mga maiinit na usapin.

Patuloy ang pagtutok ng publiko sa mga posibleng pagbabago sa estado ng kanilang relasyon.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Xian Gaza o Christian Albert Gaza ay unang nakilala sa social media matapos ang kanyang kontrobersiyal na billboard proposal sa aktres na si Erich Gonzales para mag-coffee. Nakilala din siya sa bansag na "pambansang scammer" matapos siyang akusahan ng pang-iiscam.

Biniro ni Xian Gaza ang malapit na kaibigang si Zeinab Harake na puro lang daw basketball ang inaatupag nito. Sa comments section ng kanyang post, tinanong siya ni Zeinab kung kailangan na ba daw niyang sumunod kay Xian sa lugar kung nasaan siya. Pabiro naman siyang sinagot ni Xian na paalis na siya lalo kung dalawa silang susunod. Hindi man binaggit ni Xian ang pangalan kung sino ang tinutukoy niya, nagbiro ito ng tungkol sa viral na video na binahagi ni Bobby Ray Parks Jr. na sinusuklay niya ang buhok ni Zeinab.

Read also

RR Enriquez sa pag-flex ng yaman sa socmed: "Nakakairita is yung alam mo na nagyayabang lang"

Nagbahagi si Xian ng picture niya kasama si Angelica Yap na kilala bilang si Pastillas Girl. Sinagot niya ang mga komento sa kanya na balimbing daw siya dahil sa pakikipagkaibigan kay Angelica. Ito ay dahil sa kanyang pagiging malapit na kaibigan din ni Zeinab Harake na naglabas ng sama ng loob laban kay Angelica na dati niya ding malapit na kaibigan. Ani Xian, hindi siya makikisali sa gulo ng magkakaibigang ito at mananatili siyang isang tunay na kaibigan sa kanila kahit pa magkatampuhan ang magkaibigan.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Tags: