K Brosas sa anak na bahagi ng LGBT: "Anak, kahit halamang dagat ka pa"

K Brosas sa anak na bahagi ng LGBT: "Anak, kahit halamang dagat ka pa"

- Naibahagi ni K Brosas ang kanyang naging reaksiyon sa pagiging lesbiana ng kanyang kaisa-isang anak

- Ani K, kahit noong high school pa lang ito ay alam na raw niya at nakaramdam na raw siya

- Kaya naman, nang lumabas na ang usap-usapan ay siya mismo ang nagsabi sa anak na alam niya na at tanggap niya na ito

- Iyak lang daw nang iyak ang anak niya pero siya daw ay okay lang

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Naging guest si K Brosas sa YouTube channel ni Karen Davila. Dito ay nakwento ni K ang tungkol sa anak na aniya ay matagal na niyang alam na miyembro ng LGBT kahit hindi pa ito umaamin.

K Brosas anak na bahagi ng LGBT: "Anak, kahit halamang dagat ka pa"
K Brosas anak na bahagi ng LGBT: "Anak, kahit halamang dagat ka pa" (@kbrosas)
Source: Instagram

Nakwento ni K na nang makarating sa kanya ang balita ay siya na mismo ang kumausap sa anak at sinabihan niya ito na tanggap naman niya ito.

Read also

Melai Francisco, aligaga nang makaharap niya si Jericho Rosales

Iyak daw nang iyak ang anak niya nang sabihan daw niya ito na alam niya na. Hindi naman daw umiyak si K dahil anak niya ito at tanggap niya kahit ano pa ang mangyari.

Aniya, kahit hindi tomboy yung anak niya kung sasabihin niyang ayaw niyang magkaanak ay hindi pa rin naman siya magkakaapo.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Nakilala si K sa husay niya sa pagpapatawa at galing sa pagkanta. Sa katunayan, nakapag concert na rin siya na talaga namang sinuportahan ng kanyang mga tagahanga.

Naging kabilang si K sa mga hurado sa Tawag ng Tanghalan sa It's Showtime bago siya lumipat sa TV5.

Matatandaang nitong buwan ng Agosto ay naibahagi ni K ang picture ng kanyang bahay na noon ay patapos pa lamang. Sa kanyang Twitter post ay naibahagi niya ang picture ng kanyang three-storey minimalist home. Masayang-masaya si K sa biyayang kanyang natanggap na kanyang pinagpasalamat sa Panginoon. Nauna niya nang nabanggit na September sila lilipat sa bagong bahay nila.

Read also

Miss Grace, nag-react sa interview ni PK: "Get your stories straight"

Sa sumunod na post niya ay naibahagi niyang nakalipat na nga sila sa kanilang bagong bahay. Sa kanyang social media post ay napasilip niya ang itsura ng kanilang bagong bahay. Nagbahagi din siya ng picture niya habang nakatayo sa balkonahe ng kanyang three-storey house. Ibinahagi din ni K ang kanyang pasasalamat sa architect at contractor na bumuo ng kanyang bahay.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel