Ex ni Xian Gaza, may panibagong post: "You told others that I cheated, lied, and stole"

Ex ni Xian Gaza, may panibagong post: "You told others that I cheated, lied, and stole"

- Nagbahagi ng emosyonal na post ang ex ni Xian Gaza tungkol sa isang insidente sa pinagtatrabahuhan niyang club

- Sinubukan daw siyang kausapin at hawakan ng kanyang ex na hindi na niya pinangalanan habang nagtatrabaho siya

- Inihayag niya na wala itong karapatan na hawakan siya kahit pa ex niya ito

- Aniya ay nagdesisyon na siyang hindi na muling umiyak sa trabaho at hindi na rin kausapin ang ex nang pribado dahil hindi daw nito deserve

Naglabas ng panibagong emosyonal na post ang ex ni Xian Gaza tungkol sa isang insidente na nangyari kamakailan sa isang club kung saan siya nagtatrabaho. Ayon sa kanyang salaysay, habang siya ay nagtatrabaho sa Muin noong nakaraang gabi, biglang dumating ang ex na hindi niya pinangalanan sa post.

Ex ni Xian Gaza, may panibagong post: "You told others that I cheated, lied, and stole"
Ex ni Xian Gaza, may panibagong post: "You told others that I cheated, lied, and stole"
Source: Facebook

Sinubukan daw siya nitong batiin ngunit hindi niya ito pinansin. Nagpatuloy daw ito at hinawakan ang kanyang kamay para makuha ang kanyang atensyon, ngunit agad siyang iniwas.

Read also

Nora Aunor, idinetalye paano siya nawalan ng boses: "Para bang sinadya"

Dagdag pa niya, habang abala siya sa pagbabalat ng kendi, lumapit ang ex mula sa likuran, niyakap siya, at sinubukang tulungan siyang magbukas ng kendi. Mabilis niyang iniwasan ang yakap nito.

Ayon pa sa kanya, kahit pa ex siya nito o nagtatrabaho siya sa isang club ay wala pa rin itong karapatan na hawakan siya. "You told others that I cheated, lied, and stole. So why would you want to touch me? I don't understand."

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Nabanggit din ng ex ni Xian na pinagalitan siya ng kanyang boss dahil sa pag-iyak niya nang hysterical habang nasa trabaho. Ngunit determinado daw siya na hindi na muling iiyak sa mga susunod na araw. Nang tanungin kung bakit hindi na lamang niya kinausap ang ex nang pribado, tugon niya, "because he doesn't deserve my words or my eyes."

Read also

Eldrew Yulo, bumuhos ang luha sa isang interview: "Gusto ko lang, mabuo tayo matagal na"

Si Xian Gaza o Christian Albert Gaza ay unang nakilala sa social media matapos ang kanyang kontrobersiyal na billboard proposal sa aktres na si Erich Gonzales para mag-coffee. Nakilala din siya sa bansag na "pambansang scammer" matapos siyang akusahan ng pang-iiscam.

Biniro ni Xian Gaza ang malapit na kaibigang si Zeinab Harake na puro lang daw basketball ang inaatupag nito. Sa comments section ng kanyang post, tinanong siya ni Zeinab kung kailangan na ba daw niyang sumunod kay Xian sa lugar kung nasaan siya.

Nagbahagi si Xian ng picture niya kasama si Angelica Yap na kilala bilang si Pastillas Girl. Sinagot niya ang mga komento sa kanya na balimbing daw siya dahil sa pakikipagkaibigan kay Angelica.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Tags: