Aira Lipata, usap-usapan matapos mapansin ang kanyang tattoo cover-up

Aira Lipata, usap-usapan matapos mapansin ang kanyang tattoo cover-up

- Usap-usapan si Aira Lipata matapos nitong magbahagi ng TikTok video kung saan kita ang kanyang tagiliran kung saan naipa-tattoo niya kamakailan ang pangalang "Skusta Clee"

- Marami ang nakapansin na iba na ang nakalagay na tattoo sa kanyang tagiliran

- Isang TikTok user naman ang nagsabi sa kanya na sinabihan daw siyang huwag nang ipa-tattoo

- Marami din sa mga netizens ang nakapansin sa kanyang tattoo cover-up

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nagbahagi si Aira Lipata ng panibagong video kung saan marami ang nakapansin na iba na ang kanyang tattoo. Matatandaang naging-usap-usapan ang pagpapatattoo niya kamakailan ng pangalang "Skusta Clee" sa kanyang katawan.

Aira Lipata, usap-usapan matapos mapansin ang kanyang tattoo cover-up
Aira Lipata, usap-usapan matapos mapansin ang kanyang tattoo cover-up (@chiefaira)
Source: Instagram

Umani ng mga komento ang binahagi niyang mga TikTok video lalo at marami ang nakapansin sa kanyang tattoo cover-up. Wala namang pahayag si Aira tungkol sa mga komentong ito ng netizens. Isang TikTok user naman ang nagsabi sa kanya na sinabihan daw siyang huwag nang ipa-tattoo.

Read also

Zeinab Harake, sumang-ayon sa post ni Donnalyn Bartolome tungkol sa di pakikipagbalikan sa ex

Aira Lipata, usap-usapan matapos mapansin ang kanyang tattoo cover-up
Aira Lipata, usap-usapan matapos mapansin ang kanyang tattoo cover-up (@chiefairaph/TikTok)
Source: Instagram

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Matatandaang kamakailan lang ay nag-viral ang video ni Skusta Clee kasama ang aktres na si Ava Mendez. Ibinahagi ito ni Skusta sa kanyang Instagram stories. Maging si Ava ay nagbahagi din ng Instagram boomerang kung saan makikitang hinahalikan siya ni Skusta Clee. Dahil sa mga post nilang ito ay lumabas ang espikulasyong si Ava ang bagong karelasyon sa kasalukuyan ni Skusta Clee.

Si Aira Mae Lipata ay TikToker na nakilala sa kanyang mga dance videos. Sa kanyang mga content ay kumakanta din siya. Matatandaang naging usap-usapan siya matapos maiugnay sa hiwalayan nina Skusta Clee at Zeinab Harake.

Matatandaang naging usap-usapan ang video na binahagi ni Aira sa TikTok kung saan makikita siyang malungkot. Makikita sa naturang video ang kanyang pag-iyak. Kalakip ng video ay ang kanyang mensahe para sa sarili niya tungkol sa pinagdadaanang heart break. Makikita din sa naturang video ang kanyang training ng boxing.

Read also

Grace Mondina aka "Marites," hiling na ma-finalize na ang divorce nila ng ni PK

Isang video din ni Aira ang nag-trending. Ito ay ang video kung saan makikita siyang humahalik sa pisngi ni Skusta Clee habang natutulog ang rapper. Ang naturang video ay naiupload sa YouTube na na-share sa Facebook ng page na Skusta Clee TV. Umani ito ng mga reaksiyon at komento mula sa netizens lalo at naging mainit na usapin ang paghihiwalay nina Skusta Clee at Zeinab Harake.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel