Valentine Rosales, nag-sorry dahil sa kontrobersyal na 7-Eleven 'Story Time' niya
- Nag-sorry na ang online personality na si Valentine Rosales matapos na mag-viral ang kanyang 'Story Time' tungkol sa 7-Eleven presidential cups
- Aminado si Valentine mali ang kanyang nagawa lalo na ang paninira umano sa mga kandidato
- Matatandaang nag-viral ang TikTok video niya at maging ang kanyang Facebook post tungkol dito
- Subalit ngayon, nagdesisyon siyang burahin na rin ang mga ito dahil umano sa alam niyang hindi ito tama
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Lakas-loob na nag-sorry si Valentine Rosales patungkol sa naging kontrobersyal na 7-Eleven 'Story Time'.
Nalaman ng KAMI na sa kanya ring TikTok, humingi ng tawad si Valentine gayung mali raw umano ang nagawa niyang paninira sa ibang kandidato.
Ipinaliwanag din niyang pinahupa muna niya ang isyu bago siya nag-labas ng bagong video niya na ito ng paghingi ng sorry.
Matatandaang ang 'Story Time' na ito ay tungkol sa nasaksihan niya na kumuha presidential cup sa 7-Eleven na hindi umano nagbayad ay siya na ang nagpresinta na bayaran ito.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Naging kontrobersyal ito dahil sa ilang butas na nakita sa kwento kung saan sinasabi ng ilan na hindi na umano bukas ang 7-Eleven na tinutukoy niya habang ang ilan nama'y napansing hindi nito maibigay ang mismong branch saan siya bumili.
Isa rin sa nakadagdag ng ingay sa naturang isyu ay ang hayagan niyang pagsasabi na isa umano siyang supporter ni Leni Robredo na kinuwestyon din ng karamihan.
Narito ang kabuuan ng apology video ni Valentine mula mismo sa kanyang TikTok:
Isa si Valentine Rosales sa mga magkakaibigan na nakasama sa pagdiriwang ng bagong taon ng 23-anyos na flight attendant na si Christine Dacera bago siya makitang wala nang buhay sa bathtub ng tinuluyan nilang kwarto sa City Garden Hotel sa Makati noong Enero 1 noong nakaraang taon.
Gumawa siya ng ingay online dahil umano sa kakaibang pagsagot siya sa mga interviews gayundin din ang mga post niya sa social media sa kalagitnaan ng pagharap nila noon sa kaso bilang isa sa mga akusado sa pagkamatay ng kaibigan.
Samantala, Pebrero ng kasalukuyang taon, tuluyan nang ibinasura ng korte ang lahat ng kasong may kaugnayan sa pagkamatay ni Dacera.
Source: KAMI.com.gh