Creative director at artist na si CJ De Silva, pumanaw na

Creative director at artist na si CJ De Silva, pumanaw na

- Sumakabilang buhay na ang artist at creative director na si CJ De Silva

- Kinumpirma ito ng kanyang mister na si Wincy Ong sa pamamagitan ng isang socmed post

- Nauna na rito ang paghingi ng dasal ng mister, ilang linggo na ang nakaraan para umano sa operasyon ni CJ

- Matatandaang isa siya sa mga tinaguriang 'gifted children' ng 90's na napanood sa mga TV commercial ng Promil

Pumanaw na ang artrist at creative director na si CJ De Silva- Ong sa edad na 36.

Creative director at artist na si CJ De Silva, pumanaw na
Creative director at artist na si CJ De Silva, pumanaw na (Wincy Ong)
Source: Facebook

Inanunsyo ito ng kanyang mister na si Wincy Ong sa isang social media post ngayong Hunyo 19.

"Sadly, yesterday at 10:45AM, while in the ICU, our beloved Cj suffered two strokes, and finally became one with the Universe."

Matatandaang nauna nang nag-post si Wincy, ilang linggo ang nakalipas, humingi pa ito ng dasal para sa operasyon ni CJ na nagkaroon ng anéurysm.

Read also

Ice Seguerra, naikwentong medyo na-trauma umano sa simbahan

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

"She had an anéurysm yesterday morning, and she is now in the ICU. Her coiling surgery this afternoon was not successful, so another procedure will be implemented tomorrow," ang bahagi ng naunang post ng mister ni CJ.

Samantala, nilarawan naman niya ito bilang 'loving wife', 'a loving cat-mom to cats Andres and Max', at 'loving daughter to her parents and uncle.'

Narito ang kabuuan ng kanyang post:

Si Christiana Jade de Silva-Ong o mas nakilala bilang si CJ De Silva ay isang Filipino art director, painter, illustrator at graphic designer. Tumatak siya sa mga Batang 90's bilang isa sa mga "Gifted Child" na itinampok sa Promil commercial noong 1998. Bago pumanaw, ilan sa mga kahanga-hanga niyang nagawa ay ang pagkakaroon ng solo major exhibit at siya'y isang Executive Creative Director kung saan patuloy niyang naibabahagi ang kanyang husay sa sining.

Read also

Jake Ejercito, inulan ng papuri sa sweet Father's Day post kasama si Ellie

Samantala, isa rin ang respetadong aktres na si Jaclyn Jose, na nagbigay buhay at karangalan sa sining ang namayapa na noong Marso 3 ng kasalukuyang taon. Ilang oras matapos maglabasan sa balita ang pagkamatay ni Jaclyn, ay nagpaunlak ng maiksing presscon ang anak nitong si Andi Eigenmann. Doon, kinumpirma niya na myocardial infarction o atake sa puso ang ikinamatay ng kanyang 'nanay.'

Isa sa proyektong naiwan ni Jaclyn ay ang karakter nitong bilang si Dolores Espinas sa Batang Quiapo. Gayundin ang pelikula kung saan kasama rin nila sana ang yumaong aktor na si Ronaldo Valdez. Naikwento ito ni Ara Mina na bahagi rin ng naturang pelikulang hindi pa umano nila natapos.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Online view pixel