Dating Pangulong Fidel V. Ramos, namayapa na sa edad na 94
- Namayapa na si dating presidente Fidel Valdez Ramos ngayong araw, Hulyo 31
- Siya ang kasalukuyang pinakamatagal na nabuhay na naging pangulo ng bansa na umabot sa edad na 94
- Nakilala rin siya bilang si 'FVR', ang ika-12 pangulo ng bansa na sumunod kay dating Presidente Corazon Aquino
- Bagama't kumpirmado na ang kanyang pagpanaw, wala pang pahayag ang kanyang pamilya sa detalye ng pagkamatay nito
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Namayapa na si dating Presidente Fidel V. Ramos, ngayong araw Hulyo 31.
Nalaman ng KAMI na binawian siya ng buhay sa edad na 94.
Kilala siya sa tawag na FVR na nagsilbi bilang presidente ng bansa mula taong 1992 hanggang 1998.
Ayon sa Inquirer, nakumpleto pa umano ni FVR ang kanyang bakuna kontra COVID-19 noong nakaraang taon.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Sa mga larawang naibahagi ng City Government of Muntinlupa, makikitang nag-thumbs-up pa noon si FVR, ang kanyang signature pose nang matapos na magpabakuna. Isang taon ang nakalipas, pumanaw na siya.
Sa oras na sinusulat ang artikulong ito, wala pa umanong pahayag ang pamilya ng dating pangulo ukol sa iba pang detalye ng kanyang pagpanaw ngayong hapon.
Si Fidel Valdez Ramos ay isinilang noong Marso 18, 1928 sa Lingayen, Pangasinan at lumaki naman umano sa bayan ng Asingan. Kilala siya sa tawag na 'FVR' at 'Eddie Ramos.' Isa siyang Filipino general at politician na nagsilbi bilang ika-12 presidente ng Pilipinas. Siya lamang ang bukod tanging military officer na umabot sa ranggong five-star general/admiral de jure mula second lieutenant hanggang commander-in-chief of the armed forces.
Sinasabing isa siya sa mga tinaguriang bayani ng 1986 EDSA People Power Revolution sa desisyong makiisa sa administrasyon ng namayapa naring Presidente Corazon Aquino.
Bago siya hirangin bilang presidente ng bansa, nanilbihan muna siya bilang miembro ng gabinete ni Aquino. Una bilang chief-of-staff of the Armed Forces of the Philippines (AFP) at kalauna'y naging Secretary of National Defense mula 1986 hanggang 1991.
Matatandaang noong nakaraang taon, paumanaw na rin ang isa pang naging pangulo ng bansa na si Presidente Noynoy Aquino. Ilang oras lamang mula nang magulantang ang bansa sa biglaang pagpanaw ng dating Presidente, dagsa na ang mga nakikiramay at nakikidalamhati lalo na ang mga nakasalamuha ng Pangulo na inalala ang mga hindi malilimutang sandali kasama ito.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh