Payaman! Vlogger na si Cong TV, namigay ng pera sa lalaking natapon ang delivery na pansit

- Kamakailan ay naging trending sa social media ang YouTube vlogger na si Cong TV dahil sa kabaitan niya

- Ikinuwento ng isang netizen na nakita niya si Cong na namigay ng pera sa lalaking natapon ang delivery na pansit

- Ang pera raw na iyon ay pang-abono ng lalaki matapos matapon ang dala-dala nitong pagkain

- Samantala, maging ang mga netizens ay natuwa sa kabaitan ni Cong TV sa lalaki

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Tampok sa social media ngayon ang kabaitang ipinamalas ng isang sikat na YouTube vlogger na si Cong TV.

Nalaman ng KAMI na tinulungan ni Cong ang isang lalaking natapon ang food delivery sa daan.

Ayon sa Facebook post ng netizen na si James Larracas, nakita raw ni Cong na natapon ang dala-dalang pansit ng isang lalaki na naka-motor. Kaya naman, binigyan ito ni Cong ng pera para may pang-abono.

“Grabe napaka bait talaga ni Cong TV - Power Cong TV,” sabi ng netizen.

“Natapon yun dedeliver ni tatay na pansit sakto napadaan si cong binigyan nalng pera para may pang abono si tatay sa pansit.

“Iba pala talaga kala ko puro kalokohan lang. Salute sayo idol,” dagdag pa nito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Samantala, natuwa naman ang mga netizens sa kabaitang ipinakita ni Cong kay tatay. Narito nga ang kanilang mga komento sa Facebook post:

“Galing sa hirap yan si cong alam nya pakiramdam ng taong kumakayod.”
“Salamat may mga ganitong tao. Mabuhay ka cong”
“Paawer idol.”
“Congtv salute sau more blessings to come and more power”

Si Lincoln Velasquez na mas kilala bilang si “Cong” ay isang sikat na YouTube vlogger at komedyante sa Pilipinas. Kasalukuyang may 3.18 million subscribers na si Cong ngayon sa YouTube.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Exclusive Interview: How Did Kris Bernal And Perry Choi Meet? Let's find out how the famous Filipina actress Kris Bernal and her non-showbiz boyfriend Perry Choi met. Check out all of our videos on our KAMI YouTube channel!

Related news