Tanod na nagtapos ng kolehiyo na 'with honors', isa na ngayong licensed engineer
- Isa nang licensed civil engineer ang minsan nang nag-viral na barangay tanod
- Marami ang mga na-inspire sa kanyang kwento dahil sa kabila ng pagiging working student, nagtapos pa rin siya ng kolehiyo na 'with honors'
- Sa dami ng kanyang pinagdaanan sa buhay, masasabing isa na namang malaking tagumpay ang natamasang ito
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Minsan nang pumukaw ng ating atensyon ang 23-anyos na tanod na si Janryl Judilla Tan na nagawa pang mag-aral habang nagtatrabaho at nagtapos ng kolehiyo na "with honors."
Nalaman ng KAMI na isa pala si Janryl sa mga nakapasa sa civil engineering board exams ngayong taon.
Nag-viral ang kwento ni Janryl noong Marso ng kasalukuyang taon dahil sa nakaka-inspire niyang kwento.
Nagtapos siya ng kursong Bachelor of Science in Civil Engineering ngayong taon at agad siyang nag-take ng board exams.
Kung noon, pinagsabay niya ang pag-aaral sa pagiging tanod, nagawa rin daw niyang pagsabayin ang pagtatanod habang nagrereview para sa board exam.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Naigapang niya ang kanyang pag-aaral sa ₱6,000 niyang kita kada buwan sa paninilbihan niya bilang SK treasurer at tanod.
Produkto man ng broken family, di raw ito nakahadlang upang makamit ang tagumpay.
Ayon sa ABS-CBN, bagaman at walang pagsidlan ng kaligayahan si Janry, nalulungkot din siya dahil iiwan na niya ang pagiging tanod ng barangay.
Samantala, maging inspirasyon sana ang kwentong ito ni Janryl na nagpapatunay ng kung gusto, may paraan kung ayaw, maraming dahilan
POPULAR: Read more viral stories here
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
This Engineering Student-Athlete Of UST-ECE made history with his achievement! "Don't give up because of the people who question your capability. Don't give up because of the people who discourage you from reaching your dreams" – on KAMI HumanMeter YouTube channel
Source: KAMI.com.gh