Matinding girian ng 2 babae sa bus, dahil daw sa pagtatakip ng ilong

Matinding girian ng 2 babae sa bus, dahil daw sa pagtatakip ng ilong

-Nagmurahan at nagsigawan ang dalawang babaeng pasahero sa loob ng isang bus sa isang viral video

-Maririnig naman sa video na nagsimula ang kanilang girian dahil sa pagtatakip ng ilong ng isa sa kanila

-Maraming netizens naman ang nagsabi na walang masama sa ginawang pagtatakip ng ilong ng isang pasahero na anila ay marami naman ang gumagawa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nagmurahan, nagsigawan at muntik nang magkasakitan ang dalawang babaeng pasahero sa loob ng isang bus sa isang viral video sa social media.

Sa video na in-upload ng Facebook page na Arte Lang, makikita ang isang babae na nakikipagsigawan sa babaeng kumukuha naman ng video.

Ayon sa babaeng kumukuha ng video, nagalit ang nakaalitang babae dahil nagtakip siya ng ilong habang nakasakay sa bus.

Pero ayon sa babae, ginawa lamang niya iyon dahil nais niyang protektahan ang sarili mula sa mga sakit na maaaring makuha sa aircon.

Ngunit sabi ng babae sa video, nainsulto siya o sila sa ginawa ng babae nang magtakip ito ng ilong at nauwi na nga ito sa gulo sa loob ng bus.

Tumawag na rin ng pulis ang mga naroon na siyang umawat sa dalawa na patuloy ang murahan at sigawan.

May mga pasahero na rin ang nagreklamo nang maantala ang byahe ng bus dahil sa away ng dalawang babae.

Tumayo ang babaeng may hawak ng cellphone ngunit tumangging bumaba nang hindi bumaba ang babaeng nakaalitan niya.

Hindi naman malinaw kung bumaba nga ang mga ito mula sa bus dahil naputol na ang video.

Samantala, maraming netizens ang nagsabing wala namang masama kung magtakip man ng ilong ang isang pasahero dahil marami naman daw ang gumagawa nito.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access the internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Sa isa pang ulat ng KAMI, isa sa mga viral na istorya ngayon at pinag-uusapan ang insidente naman sa loob ng isang modern jeep na humantong sa bugbugan at nauwi na sa kaso.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

We all know that feeling when your favorite song starts playing in the earphones, and you can't resist the temptation to sing along and dance along! -on KAMI HumanMeter Youtube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel