Worldwide Prayer Network ng Santo Papa, inilunsad ang high tech na "eRosary"

Worldwide Prayer Network ng Santo Papa, inilunsad ang high tech na "eRosary"

- Naglunsad ng "high tech" na rosary ang Pope's Worldwide Prayer Network

- Tinawag itong eRosary na maaring gawing bracelet at konektado rin sa app sa cellphone o anumang gamit na electronic device

- Isa raw itong paraan upang mahimok ang mga katolikong nakakalimot na sa pagdarasal ng santo rosaryo

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Inilunsad ng Pope's Worldwide Prayer Network ang high tech na eRosary nito lamang Martes, Oktubre 15.

Ayon sa ABS-CBN, maging ang Vatican ay nakikipagsabayan na sa makabagong henerasyon kung saan gadgets at internet na ang namamayagpag.

Ang eRosary raw na ito maaring magamit bilang bracelet. Konektado ito sa isang application sa smartphone o electronic gadget.

Sa app, makikita ang audio guide, exclusive images at iba pang mga kaalaman tungkol sa pagdarasal ng santo rosaryo.

Maaring gamitin ito sa pagdarasal ng standard rosary, contemplative rosary, at themed rosary na taon-taong ina-update.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ayon kay Fr. Frédéric Fornos, international director ng The Pope’s Worldwide Prayer Network, isa raw itong mabisang paraan upang maibalik sa pagdarasal ng rosaryo ang mga tao lalo pa sa mga nangyayari ngayon sa ating mundo.

Ang rosary device na ito ay ginawa ng GadgeTek Inc. mula sa Taiwan at mabibili sa halagang ₱5,600.

Samantala, ang app naman ay available sa mga android at iOS devices.

Ang rosaryo ay isang paraan ng pagdarasal ng mga katoliko libong taon na ang nakararaan magpasahanggang ngayon.

Ang eRosary ay isang hudyat na maging ang makabagong henerasyon ay nararapat lamang na makiisa pa rin sa pagdarasal at pagpapakita ng kanilang pananampalataya.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Wanna see how Maine Mendoza and Carlo Aquino giggle while answering some tricky questions? Check this out!

Tricky Questions Celebrity Special: Maine Mendoza And Carlo Aquino | HumanMeter

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica