Mga pulis na busy umano sa paglalaro ng ML kahit may emergency, ikinagigil ng netizens
- Isang netizen ang humingi ng tulong sa mga pulis alas-tres ng madaling araw
- Subalit, nagulat naman ito nang makitang busy kakalaro ng Mobile Legends ang mga pulis
- Gigil na gigil naman ang mga netizens sa paglalaro ng mga pulis habang oras ng trabaho
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Naging viral online ang video kung saan makikitang may hawak na cellphone ang dalawang pulis at mukhang busy ang mga ito.
Nalaman ng KAMI na tila busy ang mga pulis kakalaro umano ng online mobile game na Mobile Legends (ML.).
Ayon sa Facebook video na pinost ni Even Demata, isang netizen ang pumunta sa presinto ng alas-3 ng umaga upang humingi ng tulong.
“Nang magpunta po ako sa presinto kaninang alas 3:00 ng madaling araw para humingi responde dahil may nangyaring insidente sa lugar namin,” sabi nito sa post.
“Tapos ganyan lang po reaksyon nila, naglalaro ng ML (MOBILE LEGENDS) sa oras ng trabaho imbes na rumisponde at unahin magpatrolya,” dagdag pa nito.
Giit ng netizen, nabastusan siya sa naging reaksyon ng mga pulis sa emergency.
“Ako po maka-PULIS kaya lang medyo nabastusan ako sa ipinakita nilang asal dahil emergency at need mapuntahan,” sabi sa post.
PAY ATTENTION: Using free basics app to access the internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!
Gigil na gigil naman ang mga netizens sa naging reaksyon ng mga pulis. Pinuna rin ng mga ito ang paglalaro ng mga pulis habang oras ng trabaho.
Narito ang kanilang komento sa Facebook:
“Ito dapat alisin sa serbisyo”
“Impake na kayo mga tutoy at wala na kayong trabaho bukas”
“Sibak on the spot hahahaha ML pa”
“Ayaw yata mag push ng mga pulis eh”
“Ito mga pulis na ito ang bigyang parangal.Gawad sa katamaran”
“mga sir. mas okay mawalan ng star sa ML kesa mawala sa serbisyo.”
Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Did the father of Nadine Lustre target Kathryn with his recent Facebook post? HumanMeter host Christine helps us to find out the truth — on KAMI HumanMeter YouTube channel!
Source: KAMI.com.gh