Lalaki at agresibong pulis, viral matapos magkapisikalan sa lansangan

Lalaki at agresibong pulis, viral matapos magkapisikalan sa lansangan

- Tampok sa social media ngayon ang lalaki at pulis na nagkapisikalan sa kalsada

- Giit ng pulis, minura raw siya ng lalaki kaya naman ayaw niyang paalisin ito

- Tila hati rin ang mga netizens sa kanilang naging reaksyon sa ginawa ng pulis

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Naging viral sa social media ang video kung saan makikitang naging agresibo ang isang pulis sa lalaki.

Nalaman ng KAMI na tila minura raw ng lalaki ang pulis.

Kaya naman, makikita sa video na pinost ni ng netizen na si Mi Lyn ang pagiging agresibo ng pulis sa lalaking minura umano siya.

“Bakit mo ko minumura?” tanong ng pulis sa lalaki.

Bakit kailangan mo akong murahin? Anong nagawa ko sa’yo?” dagdag pa nito.

Nang subukan namang lumayo ng lalaki ay hinabol ito ng pulis at mahigpit na hinawakan.

“Bibili lang ako sir ng gamot ng anak ko,” sagot ng lalaki sa pulis.

“Harassing ‘yang ginagawa niyo sa’kin, wala naman akong ginagawa,” dagdag pa nito.

Subalit, madiing sinabi ng pulis na minura siya ng lalaki. Sabi naman ng isang pulis na maayos na lang sana sumama ang lalaki upang maayos nilang mapag-usapan ang nangyari.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access the internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Samantala, gigil naman ang mga netizens sa ginawa ng pulis sa lalaki. Narito ang kanilang komento sa Facebook video:

“Anong klasi,pulis iyan”
“dapat mga yan pulis sibakin lahat ginagamit nila pagka pulis nila”
“bawal Yan manghuli Basta Basta”
“Ang tapang nmam n sir masyado,,”
“Dami na abusadong police sa pilipinas...”
“tumba n yan pulis n abusado malaput n yan,”
“Pulis ba yan? Nd nga makatakbo yan..hinihingal na nga eh.”

Pero, may mga netizens din namang agree sa ginawa ng pulis dahil minura nga raw siya ng lalaki.

“tama lang yan boss, pag minura ka hulihin mo. wala na kasing respeto mga civilian ngayong panahon sa mga pulis, kailangan matoto yan ng liksyon.”
“Nang mura karapatan Ng Pulis dakpin siya. D guro complete Ang video”
“mura pa,,hahaha alam mo pulis yan..mmurahin mo.lagot ka tloy.”
“Bkit kc minura nya ung pulis?”
“Eh minura daw yung pulis . Kung minura talaga magagalit yun”

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Maine Mendoza and Carlo Aquino answering tricky questions from HumanMeter. And they just can't stop laughing, we can't either — on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel