Isang teacher, nag-viral matapos alagaan ang baby ng estudyanteng nag-eexam

Isang teacher, nag-viral matapos alagaan ang baby ng estudyanteng nag-eexam

- Naging viral sa social media ang isang guro na inalagaan ang baby ng kanyang estudyante

- Upang makapag-exam ang ina, nagpresenta si teacher na alagaan na lang muna ang baby nito

- Natuwa rin naman ang mga netizens sa ginawa ni teacher para sa estudyante niya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Tampok sa social media ngayon ang kwento ng isang guro na nagmagandang loob alagaan ang baby ng estudyante niya.

Nalaman ng KAMI na ang estudyante ay nagpaalam sa teacher na hindi muna siya makakakuha ng exam dahil walang mag-aalaga sa baby niya.

Subalit dahil sa kagandahang loob ni Teacher Clariz Jane Lasala, nagpresenta siyang alagaan ang bata upang makapag-exam ang nanay nito.

“Take the quiz and I’ll take care of your baby,” sabi niya.

Sa isang tweet na nag-viral, sabi ni Teacher Clariz na tila nagsilbing blessing ang ginawa niya para sa mag-ina.

“This experience is from above to help me become a person for others and I count this as a blessing. I am blessed and truly full,” giit niya.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph or message us on Facebook your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey. We can also hide your identity in the special feature, depending on your preference.

Masaya rin ang guro dahil alam niyang nagpapakahirap ang mga magulang ng baby para sa future nila.

“I am happy knowing that the father and the mother of the baby are working very hard for their future and for the baby’s future as well,” sabi ni Teacher Clariz.

Ayon sa ulat ng Philippine Star, fresh graduate si Teacher Clariz mula sa Xavier University-Ateneo de Cagayan. Siya ay nagtuturo ng Business Finance sa loob ng 6 na buwan.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access the internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Samantala, natuwa naman ang mga netizens sa ginawa ni teacher. Narito nga ang kanilang mga komento sa Facebook page ng Philippine Star:

“God will bless you more mam”
“Wow maam well done”
“We salute you maam..”
“so inspiring”
“More of this please, brightens my day”
“Yan ang totoong pangalawang ina ang mga guro.”
“Ur so good and an admirable mentor God bless Mam”
“So kind of u Maam. God bless you . Hope na ang.kabutihan moy matularan ng mga kabataan.”

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

What does Maine Mendoza think about working with Carlo Aquino? Which Kapamilya actor would the actress like to work with? And finally, what is Maine's biggest professional dream? Find out answers to these questions in our exclusive interview with the star — on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel