Kasambahay noon, naging matagumpay na sa kanyang negosyong pampaganda ngayon

Kasambahay noon, naging matagumpay na sa kanyang negosyong pampaganda ngayon

- Isang anak ng kasambahay ang namasukan din bilang kasambahay noon

- Real estate broker ang naging amo ni Charina Bitas noon kaya nangarap din siya ipatayo ang dream house niya

- Naging matagumpay naman sa kanyang negosyong pampaganda ang dating kasambahay

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Isang kasambahay ang nagkaroon ng magandang buhay dahil sa kanyang negosyong pampaganda.

Nalaman ng KAMI na nagsimula bilang kasambahay si Charina Bitas noon kabataan pa lang niya.

Ayon sa video ng My Puhunan, mula Bohol ay lumipat ang pamilya ni Charina sa Laguna. Subalit, hindi naman nila nakamit ang maginhawang buhay.

Nagtrabaho bilang karpentero ang tatay niya at naging kasambahay naman ang nanay niya. Upang makatulong sa magulang niya, namasukan din bilang katulong si Charina.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph or message us on Facebook your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey. We can also hide your identity in the special feature, depending on your preference.

Real estate broker naman ang naging amo ni Charina at doon siya natutong bumuo ng pangarap niya. Tumutulong siya mamigay ng flyers sa amo niya kaya nakilala na rin niya ang kanyang asawa doon.

Manager ng isang kompanya ang napangasawa ni Charina at may lending business ito. Subalit, nalugi naman sila sa kanilang negosyo.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access the internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Gustong magpaganda ng balat ni Charina katulad ng sa kapatid niya. Kaya naman nang malaman niya ang produktong ginagamit nito, naisipan na rin niya ang maging reseller ng produktong ito.

Naging matagumpay ang negosyo ni Charina at ngayon ay pinapatayo na niya ang kanyang sariling dream house.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Showbiz Kami: Robin Padilla Defends Mariel Rodriguez Having Baby In The US. This issue has caused a lot of controversy on social media. And this is what Robin Padilla has to say to critics — on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel