Misis na 'nag-construction worker' dahil sa pabayang asawang OFW, tinulungan ni Tulfo

Misis na 'nag-construction worker' dahil sa pabayang asawang OFW, tinulungan ni Tulfo

- Maging ang pagiging construction worker ay pinasok ng misis na ito para lang matustusan ang mga pangangailangan nilang mag-ina

- Pinabayaan na silang mag-ina ng kanyang mister na isang OFW at mayroon din itong ibang pamilya

- Saludo si Idol Raffy sa ginawa ng misis na ito kaya bukod sa pag-aksyon sa ginawa ng mister, binigyan pa niya ito ng pagkakakitaan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Marami ang namangha sa misis na si Rowena Reyes na dumulog sa programa ni Raffy Tulfo.

Pinasok niya kasi ang pagiging isang construction worker para lang mapunan ang pagkukulang ng mister niyang umabanduna na sa kanilang mag-ina.

Sa episode ng programang Raffy Tulfo in Action noong Setyembre 30, ipinakita na bukod sa pagbibigay ng karampatang aksyon sa ginawa ng mister na si Rommel Reyes kay Rowena, nabigyan din ang misis ng sari-sari store.

Iginapang raw kasi ni Rowena ang mga pangangailangan nilang mag-ina mula nang di na nagpapadala ang mister na OFW.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph or message us on Facebook your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey. We can also hide your identity in the special feature, depending on your preference.

Nalaman din nitong may ibang kinakasama na ang mister at may anak na rin ito sa iba kaya naman mas lalo na itong nagkaroon ng dahilan para di na masuportahan sina Rowena at anak nila.

Dahil sa ginawa na ito ni Rommel, tutulong ang programa ni Tulfo na ma-deport at maari pang makulong ito.

Samantala, pinakita rin sa programa ang mismong pagpapatayo ng munting tindahan ni Rowena mula kay Idol Raffy sa tulong ng staff nito.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access the internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Bukod dito, binigyan din ni Tulfo ang anak ni Rowena ng ₱10,000 para naman sa pag-aaral nito.

Labis daw kasing kahanga-hanga ang ginawa na ito ng misis na maging ang trabahong panlalaki ay kanyang nagawa para lamang sa kanilang anak.

Ngayon na may negosyo na siya, di na niya kailangang maging construction worker pa muli.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Chatting with some random strangers and doing something inappropriate? Look closer! It's not what you are thinking!

Prank! Oh My God! What Is That Stranger Doing? | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel