Bangs Garcia at mister, nagdiwang ng kanilang ika-anim na wedding anniversary

Bangs Garcia at mister, nagdiwang ng kanilang ika-anim na wedding anniversary

- Binahagi ni Bangs Garcia ang kanyang mensahe ng pagbati sa anniversary nila ng kanyang mister na si Lloyd Birchmore

- Walong taon na umano silang magkarelasyon at anim na taon naman ang nakakalipas nang ikasal sila sa Beach at Church wedding

- Matatandaang tatlong beses ikinasal si Bangs sa asawa nitong si Lloyd

- Isang civil wedding sa London noong Setyembre 2016, isang church wedding sa Boracay noong Enero 23, 2017, at isang beach wedding matapos ang church wedding

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Binati ni Bangs Garcia ang mister niyang si Lloyd Birchmore sa kanilang wedding anniversary. Sa kanyang post ay binahagi niya ang picture nila kalakip ng kanyang mensahe.

Bangs Garcia at mister, nagdiwang ng kanilang ika-anim na wedding anniversary
Bangs Garcia at mister, nagdiwang ng kanilang ika-anim na wedding anniversary (@valeriebangsgarcia)
Source: Instagram

Ani Bangs, walong taon na silang magkarelasyon at anim na taon nang ikinasal.

Tatlong beses ikinasal si Bangs sa asawa nitong si Lloyd Birchmore. Isang civil wedding sa London noong Setyembre 2016, isang church wedding sa Boracay noong Enero 23, 2017, at isang beach wedding matapos ang church wedding, na ginanap din sa naturang isla.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Bangs Garcia ay isang aktres sa telebisyon na ipinanganak sa Davao City, Philippines. Nag-aral siya sa Ateneo de Davao University mula 1993-2005. Nanalo siya sa isang interschool talent competition na tinatawag na Campus Idols noong 2004. Naging host siya sa isang teen variety show sa ABS-CBN Davao.

Marami ang namangha nang ibahagi ni Bangs ang kanyang picture matapos niyang manganak sa ikatlong anak nila ng mister. Ayon sa mga netizens ay mukha itong hindi nanganak. Isa umano sa mga sekreto ni Bangs ay ang pagsuot ng waist-high underwear at belly binder sa loob ng walong oras sa isang araw. Aniya dapat ay subukan ding panatilihin ang "tuck-in" position sa loob ng sampung segundo.

Hindi naman pinalampas ni Bangs ang isang netizen na nagkomento sa social media post ng aktres. Ang kanyang post ay ang picture ng British passport ng kanyang anak na si Isabella. Ilan sa mga netizens ang nagsabing dapat ay maging mas maingat si Bangs pagdating sa mga bagay na pinopost nito sa social media kagaya na lamang ng passport lalo at nakikita ang ilang impormasyon tungkol sa kanyang anak. Sagot ni Bangs, ang mga impormasyon tungkol sa kanyang pamilya ay nakikita naman sa internet dahil public figure siya.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel