Pekeng dentista na di umano'y may iba pang ginagawa sa pasyente, arestado
- Arestado ang isang pekeng dentista na natimbog sa Recto Avenue sa Maynila
- May isang naging pasyente ito na naglakas loob na isumbong sa pulisya ang kalokohang ginawa sa kanya ng pekeng dentista
- Nahaharap ito ngayon sa kasong paglabag sa code of ethics for dentists at acts of lasciviousness
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Sa kalaboso ang diretso ng isang pekeng dentista na natimbog sa clinic nito sa Recto Ave. sa Maynila.
Ayon sa ulat ni Lady Vicencio ng ABS-CBN news, isang naging pasyente ng pekeng dentista na si Rogelio Melgar Jr. ang naglakas loob na isiwalat ang kalokohan nito sa pulisya.
Kwento ng biktima, magpapapasta raw ito ng ngipin ngunit nagtaka ito nang biglang pinatatanggal na ni Melgar ang kanyang pang-ibaba.
PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph or message us on Facebook your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey. We can also hide your identity in the special feature, depending on your preference.
Mayroon daw kasi itong hahawakan na siyang makapag-aalis ng sakit ng ngipin ng pasyente.
Sa pahayag naman ni Dr. Narisa Ragos ng Philippine Dental Association (PDA), graduate ng dentistry si Melgar ngunit di ito nakapasa sa board exams.
PAY ATTENTION: Using free basics app to access the internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!
Batay sa imbestigasyon na isinagawa ng Manila Police District (MPD) sa pakikipagtulungan ng PDA, gumagamit ng clinic ng isang rehistradong dentista si Melgar noon pang 2014 kaya nakakatanggap ito ng mga kliyente.
Di na nagbigay pa ng pahayag ang suspek na humaharap ngayon sa kasong acts of lasciviousness at paglabag sa code of ethics for dentist.
POPULAR: Read more viral stories here
Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Tricky Questions: Translate Song Titles Into English | HumanMeter
Source: KAMI.com.gh