MMDA enforcer na may epilepsy, patuloy ang pagseserbisyo kahit na may iniindang sakit

MMDA enforcer na may epilepsy, patuloy ang pagseserbisyo kahit na may iniindang sakit

- Isang MMDA enforcer ang patuloy na nagseserbisyo kahit na may sakit siya

- Bukod sa epilepsy, na-stroke at may baradong ugat sa utak si Jefprex Baes

- Ikinuwento rin ni Jefprex ang kanyang mga karanasan bilang MMDA enforcer

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Isang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) traffic enforcer ang patuloy ang pagbibigay serbisyo kahit na siya ay maraming indiindang sakit.

Nalaman ng KAMI na ang 43 anyos na si Jefprex Baes ay mayroong epilepsy.

Ayon sa ulat ng I-Witness, ikinuwento ni Jefprex na simula noong pumasok siya sa MMDA ay marami na siyang naging karanasan sa mga galit na motorista.

“Marami na po, since noong naging MMDA ako, marami na po. Muntik na nga akong hampasin ng tubo,” sabi ni Jefprex.

“’Di na ako pumapatol dahil mahirap, ganon. ‘Pag pinatulan mo ‘yung mga ganon, anong mangyayari sa’yo? Madidisgrasya ka, ikaw pa ang mali,” dagdag pa nito.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph or message us on Facebook your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey. We can also hide your identity in the special feature, depending on your preference.

Maraming mga kapahamakan na dulot nga ang trabaho ni Jefprex, tulad na lang ng pagod, polusyon, tindi ng init at ulan. Kaya naman, suki na rin siya ng emergency medical station.

Bukod sa epilepsy, may history na rin ng stroke si Jefprex. Madalas din ang pananakit ng kanyang ulo dahil sa baradong ugat niya sa utak.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Subalit, hindi naman naging hadlang ang mga sakit ni Jefprex para ipagpatuloy ang serbisyo.

“Gusto ko po dahil makapaglingkod sa mga kababayan natin. Dapat maglingkod at pagsilbihan ‘yung mga nangailangan,” ayon kay Jefprex.

Hanggang sa ngayon ay patuloy ang paghahanapbuhay ni Jefprex. Pero, hindi pa rin maaalis ang pag-aalala ng kanyang asawa.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

What is the FIlipino word for "honeymoon"? HumanMeter is in the streets of Philippines to find out answer to this and other questions – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel