Pulis, tinulungang mag-ahit ang 1 matandang pulubi sa gitna ng ulan
- Sa gitna ng ulan, hindi nagdalawang isip ang isang magiting na pulis na tulungang mag-ahit ang isang matandang pulubi
- Ayon sa pulis, nang makita niya ito ay hirap na hirap itong mag-ahit at nagkalat na nga ang shaving cream nito
- Ang hindi alam ng pulis ay may nakakita sa kanyang kabutihan at ibinahagi sa social media na naging daan para hangaan ng marami ang alagad ng batas
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see
Laman ng balita sa social media ang kabutihang ipinakita ng isang pulis mula sa Detroit sa isang 62-anyos na pulubi.
Ayon sa isang article ng Good News Network, nakita ni Detroit Police Department Officer Jeremy Thomas ang matandang pulubi na si Stanley Nelson habang hirap na hirap na nag-aahit sa gitna ng ulanan.
Ito ay matapos itong bigyan ng isang babae ng plastic na puno ng toiletries at supplies.
PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph or message us on Facebook your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey. We can also hide your identity in the special feature, depending on your preference.
At dahil walang tubig, sumahod na lamang si Nelson sa alulod at hinuhugasan ang pang-ahit sa tubig na naipon sa kalsada. Doon na ito nakita ni Thomas at nilapitan.
Sa isang panayam kay Thomas ng WXYZ, sinabi nitong nilapitan niya ang matanda para alukin ng tulong nang makita itong nahihirapan.
“He had shaving cream on his hands, his coat, his face, his eyes,” anito.
“So I walked up and said ‘Excuse me, sir,’ and … he said ‘I’ll leave, I’ll leave,’ and I said ‘No, do you need some help?’” sabi pa ni Thomas.
Habang tinutulungang mag-ahit ang matanda, hindi alam ni Thomas na mayroon palang mag-asawang nakakita sa kanyang kabutihan at ibinahagi sa Facebook.
Sa post ng netizen na si Jill Metiva Schafer, sinabi nitong: "What a great Detroit cop!! This is right outside Comerica park. The game was a rainout but this officer went way above and beyond to help this man shave!!!"
Samantala, malaki ang pasasalamat ni Nelson sa pulis dahil hindi ito nagdalawang isip na tulungan siya.
PAY ATTENTION: Using free basics app to access the internet for free? Now you can read !
Sa isa pang ulat ng , isa namang tubero ang hinahangaan kasama ng grupo nito dahil sa libreng serbisyo na ibinibigay nito para sa mga matatanda at mahihirap na pamilya.
Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Tricky Questions: Translate Song Titles Into English -on KAMI
Source: KAMI.com.gh