Binatang may kapansanan, ipinamalas ang talento at patuloy na nangangarap

Binatang may kapansanan, ipinamalas ang talento at patuloy na nangangarap

- Ipinamalas ni Nunoy ang kanyang talento kahit na may kapansanan siya

- Kahit na lagi siyang inaasar ng ibang tao, patuloy pa rin siyang nangangarap

- Labis din ang pasasalamat ni Nunoy sa kanyang ama na inaalagaan siya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Isang binata na may kapansanan ang nagpakita ng kanyang talent kahit na putol ang kamay at paa nito.

Nalaman ng KAMI na kahit kaliwa’t kanan ang pang-aasar kay Angelito “Nunoy” Sabater, patuloy pa rin siyang nangangarap.

Ikinuwento ni Nunoy ang kanyang mga karanasan sa palabas ng GMA Network na “Tunay na Buhay.”

’Yung pagtatawanan lang po tuwing lalabas lang po kami"

“Hinahayaan ko na lang po. Iniisip ko na lang po, ‘huwag mong pansinin ‘yan, ‘pag may pumapatol po, hayaan lang po, ‘wag na pong lumaban,’ kasi po ako lang po ang masasaktan,” sabi ni Nunoy.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph or message us on Facebook your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey. We can also hide your identity in the special feature, depending on your preference.

Bagama’t putol ang kanyang kamay, wala namang makakapigil kay Nunoy na ipamalas ang kanyang talento sa pagguhit.

Hilig ni Nunoy ang gumuhit ng mga bahay, dahil nangangarap siya na dadating ang araw na magkakaroon din sila ng magandang bahay ng kanyang ama.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access the internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ikinuwento ni Nunoy na sa ngayon, hindi niya kasama ang kanyang ina at kapatid. Nagkaroon daw sila ng konting tampuhan ng kanyang nanay. Kaya naman ang gusto niya lang muling makasama sa ngayon ay ang kanyang kapatid.

Malaki rin ang pasalamat ni Nunoy sa kanyang ama na walang sawang inaalagaan at minamahal siya kahit na siya ay may kapansanan.

POPULAR: Read more viral stories here!

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Many wondered why Mariane Osabel wasn't included in the final resbak of the theatre call. So, the lady clarified the real reason why she quit – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Kurt Yap avatar

Kurt Yap (Editor)