Pambubudol sa isang 84-anyos na lola, sapul sa CCTV

Pambubudol sa isang 84-anyos na lola, sapul sa CCTV

- Kitang-kita sa CCTV kung paano nabiktima ang isang lola ng 'budol-budol' sa kanilang lugar

- Nagpakilala ng maayos ang 'riding in tandem' sa matanda kaya naman madaling kapalagayan niya ito ng loob

- Makalipas daw ang tatlong buwan, di pa rin nahuhuli ang lalaki at babaeng nambiktima sa matanda

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Kaawa-awa ang 84-anyos na lola na nabiktima ng pambubudol sa kanya mismong tahanan.

Kitang-kita sa kuha ng CCTV kung paano kaswal na nagawa ng 'riding in tandem' ang kanilang modus na pagnanakaw sa matanda.

Makikita sa video na nagpapahangin lamang noon ang lola na nakilalang si Ester Doliente sa may gate ng kanilang bahay.

Biglang dumating ang isang lalaki at babaeng sakay ng motor na agad na nakangiti nang batiin ang matanda.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph or message us on Facebook your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey. We can also hide your identity in the special feature, depending on your preference.

Feeling close daw ang mga ito kaya naman madaling kapalagayan ng loob ng matanda at pinapasok pa sa kanilang bahay ang dalawa para mag-kape.

Pumasok ang matanda sa kanyang kwarto at di nagtagal ay sumunod na ang lalaki.

Tila kinutuban na ang mga kasambahay ng lola, kaya sumunod na ang isa sa mga ito sa kwarto.

Doon makikitang kumaripas ng takbo ang dalawang magnanakaw at mabilis na sumakay ng kanilang motor at nakatakas.

Natangay ng mga ito ang ilang alahas ng matanda at perang nagkakahalaga ng ₱200,000.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ayon sa panayam ng GMA news sa apo ni lola Ester na si Myron Mandap, tatlong buwan na ang lumipas ngunit di pa rin nahuhuli ang walang pusong mga magnanakaw na nanloko sa kanyang lola.

Maging babala ito sa publiko lalo pa at maaring nagagawa pa rin ng mga magnanakaw na ito ang kanilang modus magpasa-hanggang ngayon.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky Questions: Translate Song Titles Into English | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel