Kasambahay, inireklamo ng Russian na amo na sinabi pa nitong GF niya

Kasambahay, inireklamo ng Russian na amo na sinabi pa nitong GF niya

-Arestado ang isang Pilipina na kasambahay sa Dubai matapos itong sampahan ng mga kaso ng kanyang among Russian

-Reklamo ng Russian, iniscam siya ng kasambahay na inalok siya ng negosyo sa Pinas

-Bukod rito pinilit daw siyang panatilihin sa bansa ng suspek at tinakot pa nito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sinadya ng Dubai-based Russian national ang tanggapan ng TV5 upang personal na pasalamatan si Raffy Tulfo sa pagtulong nito sa kanya para mapabilis ang aksyon sa kanyang reklamo.

Pumunta sa bansa ang Russian na si Manar Al Khebi matapos itong alukin ng negosyo ng kanyang kasambahay na si Jocelle Inocencio bagamat dati na raw itong may negosyo sa Pinas.

Ngunit laking gulat daw nito nang mapag-alamang iniscam pala siya ni Inocencio sa kabila ng napakalaking tiwala na ibinigay niya rito.

Bukod dito, pinilit daw siyang panatilihin nito sa Pinas at kinuha pa ang lahat ng kanyang pera.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph or message us on Facebook your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey. We can also hide your identity in the special feature, depending on your preference.

Nagdulot rin ng trauma sa kanya ang pananakot nito kung kaya hindi ito agad nakapagsumbong sa asawa nito sa Dubai.

Napag-alaman pa nito na sinasabi ni Inocencio na nobya raw siya nito at palihim na kinukuhanan siya ng larawan para ipagmalaki sa iba na sila ay may relasyon.

Mabuti na lamang at mayroong isang pamilya ang tumulong sa kanya na siyang naging daan para makalapit siya kay Tulfo.

Patong-patong na kaso ang isinampa ni Al Khebi sa suspek na naaresto na sa tulong ng NBI sa Isabela at ng programa ni Tulfo.

Samantala, napag-alaman naman na anak pala ito ng isang Russian Ambassador at hindi basta-bastang tao at ang mister naman nito ay isang abogado.

Anito, sa kabila ng pangit na karanasan niya sa Pinay na kasambahay, alam nitong mas maraming Pilipino ang mabubuti.

Hinangaan naman ito ni Tulfo dahil sa kababaan ng loob nito sa kabila ng pagiging "malaking" tao.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Young people sometimes sound like foreigners to someone who can be even just 5 years older than them. Today we are trying to figure out if everyone understands Gen Z slang words. Spoiler alert: not everyone! -on KAMI

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel