Huli! Group chat, hinihinalang ugat ng pagtabang at putol na padala ni misis

Huli! Group chat, hinihinalang ugat ng pagtabang at putol na padala ni misis

- Hindi kinaya ni idol Raffy ang laman ng group chat ng ilang OFW na kinabibilangan ng inirereklamong ginang

- Kaya naman si mister, nais na talagang pauwiin ang misis

- Maging si Tulfo, hindi raw kumbinsido sa mga palusot ng OFW

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Labis na nagdududa ang mister na si Anowar Ato sa kanyang asawa na si Edelyn Magdalit na isang OFW sa Dubai.

Simula raw kasi nang mapasama ito sa isnag group chat ay nag-iba na ito.

Maging si Raffy Tulfo ay hindi kinaya ang nilalaman ng GC na ito! Hindi raw kasi kaaya-aya ang nilalamang GC kung saan napasali ang OFW.

Reklamo pa ni mister, bigla raw naputol ang padala ni misis sa kanya.

Bukod dito, hindi na rin daw ito madalas tumawag katulad ng dati.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph or message us on Facebook your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey. We can also hide your identity in the special feature, depending on your preference.

Depensa naman ng OFW, wala na raw siya sa group chat na iyon.

Sabi pa nito, wala raw ang kanyang mga amo sa Dubai dahil nasa USA raw para ipagamot ang anak.

Hindi raw siya makapagpadala dahil hawak ng amo ang kanyang passport at ID.

Ninanakawan din daw siya ng ibang lahi doon na naging dahilan na rin para mabawasan ang kanyang ipon.

Umabot na rin daw kasi sa tatlong buwan na hindi ito nakapagpadala sa pamilya niya sa Pinas.

Mariin nitong itinanggi na mayroon itong ginagawang kalokohan.

Hindi naman kumbinsido si mister at si idol Raffy sa mga "palusot" ng babae.

Ayon pa kay Tulfo, papaimbestigahan niya si Edelyn sa OWWA upang malaman ang totoong sitwasyon nito.

Samantalang si Anowar ay hiniling na sana ay makauwi na lamang ang misis upang matahimik na rin ang kanyang isipan.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Useful Tips: How To Save Money

Filipinos share their tricks on saving money. And some of those are priceless. How do you save money? Share in the comments to the video. -on KAMI HumanMeter Youtube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel