Malungkot na larawan ng isang magsasaka, pumukaw sa damdamin ng Pinoy netizens
-Maraming netizens ang naantig at napukaw ang damdamin sa larawan ng isang magsasaka sa social media
-Ayon sa ABS-CBN News na siyang source ng larawan, isa ito sa mga magsasakang pumila para makapag-loan noong Lunes sa Nueva Ecija
-Isang malaking isyu ngayon sa bansa ang Rice Tariffication law na nagpapahirap pa umano sa mga magsasaka sa bansa
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see
Hindi napigilan ng marami ang maantig ang damdamin sa larawang ibinahagi ni Jonathan Cellona ng ABS-CBN News kamakailan sa social media.
Sa Instagram account ng dos, isang larawan ng magsasaka ang pumukaw sa puso ng maraming Pinoy netizens.
Kung titignan ito, larawan ng pangamba ang makikita sa lalaking magsasaka.
Ayon sa nasabing IG post, ang naturang magsasaka sa larawan ay isa sa mga magsasakang pumila para makapag-loan noong Lunes sa Nueva Ecija.
Ang loan na ito ay nakalaan raw upang matulungan ang mga magsasaka sa bansa.
"Easing the burden?
"A man looks on as he and other farmers wait in line to sign documents as part of cash loan requirements intended to help farmers in Nueva Ecija on Monday. The flood of imported rice in the country under the Rice Liberalization Law is affecting local rice farmers as palay prices have plummeted to to P7 per kilo."
PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph or message us on Facebook your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey. We can also hide your identity in the special feature, depending on your preference.
PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read
Umagaw ito sa atensyon ng maraming Pinoy lalo pa at mainit ang isyu ngayon sa rice tariffication na tila nagpapahirap pa sa mga magsasaka sa bansa.
"Sobrang mahal ng bigas tapos kakarampot Lang napupunta sa talagang totoong nagpapagod."
"Ano ba yan... Cash loan ba ang kailangan para makatawid ng gutom ang mga farmers natin. Parang lalo lang nilang pahihirapan ang mga naghihirap na magsasaka. Di ba dapat bilhin ng gobyerno ang palay nila sa tamang halaga at bigyan sila ng assistance na hindi na nila dapat bayaran."
"This is so heart breaking! I hope bigyan sila ng pansin!"
"Inuna pa ang kapakanan ng LGBTQ dahil sa hindi nakapag CR sa isang mall."
"Nakakaiyak po.pag tuunan nyo din po sn ng pansin ang kaawaawa natin magsasaka."
Samantala, nito lamang Miyerkules, iniutos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa National Food Authority (NFA) na bilhin ang lahat ng palay ng mga magsasaka.
“What the solution should be, or will be for the secretary of the Department of Agriculture to buy all, magkano ba presyo nila? Magkano presyo nila, bilhin natin,” ayon sa pangulo.
“But you cannot demand a price, you arrive at a compromise of how much you are willing to lose a little bit. Tapatan lang, basta hindi malugi ang pagod nila, they are compensated but do not demand a price that is unreasonable,” dagdag pa nito.
Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Kitchen Hacks: Do They Really Work?
HumanMeter is testing some famous kitchen hacks. Let's see which of them actually work! -on KAMI
Source: KAMI.com.gh