Kaibigan ni Eileen Sarmenta, inalala ang huling sandali nito bago dukutin

Kaibigan ni Eileen Sarmenta, inalala ang huling sandali nito bago dukutin

- Hindi pa rin daw makalimutan ng isa sa mga kaibigan at sorority sister ni Eileen Sarmenta ang huling pag-uusap nila ng kaibigan

- At dahil sa balitang makakalaya na si Antonio Sanchez, muling nanariwa ang sakit na dulot ng maaga at malagim na pagkawala ng dalawang biktima

- Para sa kanya, hindi na nararapat pang makalaya ang itinurong utak sa karumal-dumal na krimen

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see

Tila nagbalik sa nakalipas ang kaibigan at isa sa mga sorority sister ni Eileen Sarmenta.

Sa isang panayam rito ng GMA News (Author, Dona Magsino), ikinuwento nito ang mga huling sandali ni Eileen bago ito dinukot kasama si Allan Gomez.

"Nasa akin pa 'yung panyo mo, naiwan sa meeting. Tomorrow ko na lang balik," naalala nitong sinabi ni Eileen bago umalis ss restaurant na popular na hangout noon sa UP Los Baños.

Ito rin mismo ang panyong ginamit para busalan si Eileen sa bibig nito.

At ayon rito ay nasa bibig pa ni Eileen noong makita ang bangkay nito kinabukasan.

Ibinahagi rin nito kung gaano kabait ang dalaga.

"Eileen Sarmenta was not just a sorority sister. She was my seatmate, my batchmate, my friend. She was an active member of our sorority. She was an officer. She's a very sweet, kindhearted person," anito.

"Mabait na anak, kapatid, kaibigan. There's always that calmness in her sweet voice. That even if she tells you, pikon or galit na ko, hindi ka maniniwala," dagdag pa nito.

At dahil sa lumabas na balita na makakalaya ang itinurong utak ng karumal-dumal na krimen, tila bumalik muli ang sakit para sa mga naulila nina Eileen at Allan.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph or message us on Facebook your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey. We can also hide your identity in the special feature, depending on your preference.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read

"There are things in life that we'd rather forget, we forgive and we move on for our own peace of mind. But that night... that last night... that last conversation... the series of events leading to how we found Eileen's body...the trial that proved that Sanchez and his men were guilty... sentenced to seven life terms," sabi nito.

"This gruesome double murder-rape case of Sanchez and his cohorts, it's definitely not one of those things. After 26 years, we can't just forget. We will never forget. We can't just let this murderer and rapist go back to his family and enjoy the rest of his life," dagdag pa niya.

Muli nitong naalala ang takot na bumalot sa UPLB matapos ang malagim na sinapit nina Eileen at Allan sa kamay ng mga walang awang tao na nag-iwan ng pangamba sa lahat.

"We were just young students, enjoying campus life in UPLB while school was not yet busy. But because of this monster and his policemen, UPLB community was never the same again," anito.

Tumanggi na itong magpakilala para na rin sa sarili nitong kaligtasan.

Sa isa pang ulat ng , isang kakilala naman ng dalawang biktima ang nagbahagi ng kanyang naging karanasan kasama ang iba pang UPLB students bago ang Sarmenta-Gomez rape-slay noong June 1993.

Naniniwala ito na posibleng konektado ito sa karumal-dumal na sinapit ng dalawa.

Samantala, sa isang article ng , tumanggi ang pamilya ni Sanchez na magbayad ng mahigit P12 million sa pamilya ng mga biktima.

Naninindigan sila na inosente ang convicted rapist at murderer na si Sanchez.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Should Trans Women Be Allowed In Women's Restrooms?

We are asking Filipino people what they think about a highly discussed issue in the country. Some think trans women should go to men's restrooms because they were born males. The others consider it total disrespect towards trans women who are deprived of their basic human rights when forced to use men's restrooms. -on KAMI

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Annie Symone avatar

Annie Symone