Fur-mom, labis ang hinagpis sa pagkasawi ng alagang asong nasagasaan ng tren

Fur-mom, labis ang hinagpis sa pagkasawi ng alagang asong nasagasaan ng tren

- Marami ang naki-simpatya sa fur-mom na ito na namatayan ng alaga

- Naging emosyonal ang tagpo ng pet owner na 'di iniwan hanggang sa huling sandali ang aso.

- Nag-viral ang post ng may-ari ng aso dahil sa alam daw ng karamihan ng netizens kung ano ang pakiramdam ng mahal sa buhay

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Marami ang nalungkot nang mabasa nila ang viral post ng fur-mom na si Corina Bandin.

Isinalaysay niya sa kanyang Facebook post ang huling sandali ng kanyang asong si Chloe.

Aksidente kasi itong nasagsaan ng tren dahil nasa labas daw ito nang mga oras na iyon.

Nang tawagin ni Corina ang kayang aso, di na agad ito nakalapit gaya ng kadalasan nitong ginagawa.

Doon kinutuban na nga si Corina na may di magandang nangyari sa kanyang alaga.

Tama nga ang kanyang hinala dahil nakita niyang nakahandusay na lamang si Chloe at duguan.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey.

Dinala niya agad ito sa pagamutan at doon nakumpirma niyang bali na pala ang spinal cord ng alaga at nag-internal bleeding pa ito.

Dahil dito, alam niyang labis na mahihirapan si Chloe kaya pumayag na siyang maturukan na ito ng pampatulog.

Labag man sa kalooban ni Corina ngunit alam niyang ito ang makakabuti sa kanyang alaga.

Kaya naman sa huling sandali ni Chloe, di siya iniwanan ng kanyang fur-mom na panay ang pagsasabing mahal niya ang alaga.

Dahil dito, maraming netizens ang nalungkot sa sinapit ng aso.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Sobrang sakit naman"
"My condolences to the owner. I understand your your lost I myself lost my dog Binky."
"Sobrang dog lover ako naalala ko yung aso namin nung nawala din sya samin naiyak ako. Dog is a friend not only friend its a part of our family so love them"
"Nakaka relate ako saiyu. We lost ours last yr. Very heartbreaking tlaga as in para kang nawalan ng nanay. Sorry, but God gives you the strength to accept your loss my dear. You take care"
" Yung luha ko...niyakap ko agad aso ko. so sorry for ur loss po."
"Tulo mga luha ko... nafeel ko yung love at awa kay Chloe at sa inyo..."

Nasa 22,000 na ang reactions sa post na ito at umapaw din ang pakikisimpatya ng netizens kay Corina.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Some think trans women should go to men's restrooms because they were born males. The others consider it total disrespect towards trans women who are deprived of their basic human rights when forced to use men's restrooms.

Should Trans Women Be Allowed In Women's Restrooms? | HumanMeter

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica