Mapagbigay na Grab driver, nag-viral dahil sa mga "libreng" gamit niya sa kotse
- Mabilis na nag-viral ang post ng naging pasahero ng isang mapagbigay na Grab driver
- May libre snacks, gamot, tubig at iba pang maaring magamit habang nasa biyahe ang pasahero sa kanyang sasakyan
- Balewala raw sa driver kung maubos man ang mga 'libre' niya sa sasakyan, ang mahalaga sa kanya ay ang makatulong sa mga pasaherong nakakasalamuha niya
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Agad nag-viral ang binahaging kwento ng netizen na si Che Rubio-Abando nang masakyan niya ang sasakyan ng Grab driver na nakilalang si JP Curada Secarro.
Nagulat daw kasi si Che sa dami ng laman ng kotse ng Grab driver.
Dahil sa di pa siya nag-aalmusal noon, tinanong niya kung magkano ang pagkain na mga nakasabit sa likod ng driver's seat.
Mas lalong nagulat si Che nang malamang libre ang mga pagkain at inalok pa siya ng tubig ng driver.
PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey.
Ang nakamamangha pa rito, may mga gamot at alcohol pa raw na naka-display sa sasakyan na maaring magamit ng pasahero.
Kung tila masama raw ang pakiramdam ng sakay, maari rin itong mahiga ng komportable dahil sa mayroon din siyang mga unan at kumot.
Sakaling naubusan naman ang mga mommy ng diapers para sa baby, mayroon din siya nito maging sanitary napkins.
At para naman sa mga senior na di na kaya pang umabot sa pinakamalapit na CR, may nakahanda din siyang arinola.
Dahil dito, di naiwasan ni Che na maitanong kung nalulugi ba si JP sa ginagawa niyang ito.
Mas lalong napabilib ang pasahero nang malamang di ito alintana sa Grab driver na ang tanging hangad ay makatulong.
Naranasan pa nga raw niyang magkaroon ng pasaherong inubos ang lahat ng kanyang stock na inabot nang halagang ₱3,000 nang malaman kasi nito na libre.
Nagpasalamat daw ang pasahero at may pambaon na ang kanyang mga anak dahil dito.
Magaan naman daw sa kalooban ni JP ang nangyari dahil may isang nanay siyang natulungang makaluwag sa budget ng pambaon sa anak.
Tunay na nakaka-inspire daw talaga ang karanasan na ito ni Che lalo pa at di niya inaasahang may mga tao pang tulad ni JP na kasabay ng pagha-hanapbuhay ang magpasaya at makatulong sa kapwa.
POPULAR: Read more viral stories here
Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Some think trans women should go to men's restrooms because they were born males. The others consider it total disrespect towards trans women who are deprived of their basic human rights when forced to use men's restrooms.
Should Trans Women Be Allowed In Women's Restrooms? | HumanMeter
Source: KAMI.com.gh