Pinay na kasabwat daw pamilya sa panghuhuthot, inireklamo ng ex na foreigner

Pinay na kasabwat daw pamilya sa panghuhuthot, inireklamo ng ex na foreigner

- Isa pang reklamo ng isang dayuhan laban sa isang Pinay ang hinarap ni Raffy Tulfo sa kanyang programa

- Base sa reklamo ng dayuhan mula sa Cayman Islands, niloko at inutakan lamang siya ng kanyang ex na isang OFW sa Singapore

- Mariin naman itong itinanggi ng naturang babae at sa halip ay inakusahan ang ex na foreigner ng kung anu-ano

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Isang dayuhan mula sa Cayman Islands ang muling dumulog sa programang Wanted sa Radyo para ireklamo ang isang Pinay.

Ayon kay Richard Powery na siyang complainant, niloko at inutakan lamang siya ng kanyang dating nobya na si Emelyn Cabaccan, isang OFW sa Singapore.

Base sa mga inilahad ni Powery kay Raffy Tulfo, sinadya raw ni Cabaccan na magparinig sa kanya na nais na nitong magkaroon ng sariling bahay sa Pilipinas.

Bilang nobyo at para na rin daw sa kanilang hinaharap, nagkusa na si Powery na magbigay ng pera para ipangpagawa sa bahay nito sa Isabela.

Bukod rito, nagawa pa raw nitong puntahan ang pamilya ni Cabaccan sa nasabing probinsiya upang makilala ang mga ito.

Sa halip daw kasi na sa Singapore siya pumunta para makita ang nobya ay iginigiit pa raw ng Pinay na sa Pinas na lang siya pumunta.

Umabot na raw sa $10,000 ang naibigay niya para sa construction sa bahay sa Isabela.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph or message us on Facebook your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Maging ang pamilya ni Cabaccan ay hindi na rin daw pinagkakatiwalaan ng dayuhan. Sabi pa ni Powery, isa sa mga kapatid ng ex ay tila niloko rin siya matapos pagkatiwalaan.

Mariin namang itinanggi ng Pinay ang akusasyon ng ex-BF.

Kusa at hindi raw niya pinilit si Powery na bigyan siya ng pangpagawa ng bahay. Ito pa raw mismo ang nagkusang bumili ng mga materyales sa bahay.

Giit pa niya, kaya siya nakipaghiwalay ay dahil sa mga pambabastos nito sa kanya.

Praning din daw ito na palagi nilang pinagaawayan. Nagawa rin daw siya nitong insultuhin at pagbantaan, bagay na itinanggi na ng dayuhan.

Kaya naman daw hindi siya pumapayag na pumunta ito sa Singapore ay dahil hindi siya nakakalabas sa bahay ng kanyang amo maliban na lang kapag Linggo na tinanggihan naman daw ni Powery.

Ngunit ayon sa dayuhan, pumayag na siya kahit na isang araw lamang makita ang nobya basta makita lamang ito sa personal.

Ganunpaman, iginiit ni idol Raffy na nararapat lamang na ibalik na lang ng Pinay ang lahat ng perang nagastos ni Powery sa bahay.

Ayon naman kay Cabaccan, nakapagbigay na siyang ng paunang bayad dito.

Nakatakda namang pumunta si Powery sa Isabela kasama ng team ng programa upang harapin ang pamilya ni Cabaccan.

Sa isa pang ulat ng KAMI, isa namang Pakistani ang lumipad pa mula Dubai ang dumulog rin kay Tulfo para ireklamo ang ex-GF na Pinay ng panghuhuthot na umabot pa raw sa P3.5 million.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Mercado, Dantes, Blake and Madrid Answering Tricky Questions

Our favorite stars, Jennylyn Mercado, Dingdong Dantes, Jameson Blake and Ruru Madrid, answering Tricky Questions from Human Meter. Who do you think nailed more questions? -on KAMI

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel